CHAPTER 42

10.5K 467 198
                                    

"M-Mixhee?!" Luhan blushed.


Nakapatong pa rin ako sa ibabaw ni Luhan. Ni hindi ako makagalaw dahil hindi ko alam ang gagawin ko matapos ang nangyaring aksidenteng pagdampi ng labi ko sa labi niya. Pareho kaming nabigla. Our eyes both widened.


"Eommeo/ Oh my gosh," sabay naming sabi sabay takip sa labi namin.


Anak ng pusang gala, yung first kiss ko! I bit my lips as my heart began to pound. Hindi ako makapaniwalang ai Luhan ang makakakuha ng first kiss ko. Nalasahan ko pa ang tamis ng lollipop niya nang magdampi ang labi namin!


"Anong nangya--- oh?"


Natigilan si Collosus nang mahuli niya kami sa napaka-awkward na posisyong ito. Bumilis ang kabog ng puso ko at lalong namilog ang mga mata ko nang sunod na nagsidatingan ang iba pang boys.


Tulad ni Collosus ay natigilan din sila Ashton, Aki, at Clint. They literally dropped their jaw when they saw us. Halos matunaw na ako sa hiya samantalang si Luhan ay halos sumabog na sa pamumula. Parang gusto kong bumuka na lang ang lupa at kainin ako nito.


"Bro, anong ginagawa niyo? Get a room!" agad na nagtakip si Clint ng mata.


"No! M-mali ka ng iniisip Clint!" I stuttered.


Nagkatinginan ang boys na para bang lito sila sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila. They might just end up making conclusions na hindi naman totoo.


"Magpapaliwanag kami!" natataranta naming sabi ni Luhan.


"You really have to," sagot ni Ashton na mukhang hindi na gumaganda ang timpla.


"Would you mind helping us first?" tanong ni Luhan.


Lumapit na sila sa amin. Tinulungan akong makatayo ni Ashton at si Luhan naman ay inalalayan nila Clint dahil nagkaroon siya ng sprain after what happened. Agad kaming pinaupo sa couch.


"Are you hurt?" nag-aalalang tanong ni Ashton habang tinitignan kung may galos ba ako sa katawan.


"Nope," iling ko.


"Are you sure?"


I nodded in response and smiled to assure him. Thanks to Luhan, nasalo niya ako kaya hindi ako napuruhan kaso nga lang nangyari nga ang hindi dapat nangyari.


"I'm sorry Mixhee. Hindi ko talaga sinasadya. I tripped that's why I lost my balance." paliwanag ni Luhan habang napapadaing siya sa sakit ng paa niya, "Mianhae."


"A-ayos lang," I awkwardly said while avoiding eye contact with him as much as possible.


Hindi ko pa rin limot ang aksidenteng pagdampi ng labi namin sa isa't-isa noh. Ilang minuto palang ang nakakalipas, of course everything was still fresh. I also can't believe na ang first kiss na iniingat-ingatan ko sa buong existence ko rito sa mundo ay makukuha lang in just a snap by an unexpected person.


Everything happened ng dahil lang sa isang aksidente na sa telenobela ko lang naman nakikita.


"Ano ba kasi ang nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Aki habang linalapatan niya ng lunas ang paa ni Luhan.


"Nakarinig pa ako ng kalabog kanina kaya dali-dali ko kayong pinuntahan," dagdag ni Collosus, "Akala ko may nahulog."


"Ako nga yung nahulog," nguso ko.


Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon