CHAPTER 7

16K 645 137
                                    

Napakagat na lamang ako ng labi matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Ayon sa ekspresyon ng boys, mukhang hindi nila nagustuhan ang ideya na magkakaroon sila ng bagong kaklase lalo na't isang nerd pa! Nahulog pa nga ang lollipop ni Luhan mula sa pagkakasubo niya nito nang mapaawang ang kanyang bibig dahil sa mg sinabi ko. Well kahit naman ako ay ayokong maging kaklase sila, so the feeling is mutual.

"Tell me your kidding," matabang na sabi ni Ashton sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ilang beses ko ba sasabihin sa kanilang seryoso ako? Mukha ba akong comedian para magjoke? Mukha ba akong scammer para manloko? Isa lang naman akong nerd na walang ibang ginusto kundi ang mapanatili ang matataas na grades ko at magkahonor.

"Boys, totoo ang sinabi ni Miss Salvador."

Sabay-sabay kaming napatingin sa lalakeng biglang sumabat sa usapan namin.

"Sir X, andito po pala kayo," sabi ko.

Pumasok sa classroom ang lalakeng may katangkaran. Kung titignan, hindi pa naman siya masyadong matanda. Siguro di lalampas ng sampung taon ang agwat ng edad niya sa amin. Dumiretso siya sa harap at ilinapag ang kanyang dalang libro sa lamesa. Sumisigaw ng positive vibe ang kanyang awra at agaw pansin agad ang ngiti niyang pinakanagugustuhan ng mga estudyante sa kanya. Sa ngiti niya, masasabi mong hindi siya terror na teacher. In fact, friendly siyang guro.

"Sorry I'm late class," he smiled again.

Nga pala, bago ko makalimutang sabihin sa inyo, siya ang class advisory ng special class na ito at ang teacher ko sa General Mathematics, ang asignatura kung saan nagkaroon ako ng bagsak na grado.

"Sir, what's the meaning of this?" nakakunot noong tanong ni Ashton.

"I'll explain boys, maupo muna kayo. Halika dito Mixhee."

Nagsiupuan na nga sila Collosus at naging seryoso na ang ekspresyon ng mga mukha nila. Ako naman ay nakayukong lumapit kay sir sa harap.

"Gaya nga ng sinabi ni Mixhee, magiging kaklase niyo na siya simula ngayong araw. You see, siya ang top 1 ng buong batch niyo. However, bumagsak siya sa subject ko at kung hindi lang sobrang taas ng mga grades niya sa ibang subjects, malamang ay nahila na siya pababa," sabi ni sir.

Nagtama ang mga mata namin ni Aki. Nagkakasalubong ang kanyang dalawang kilay habang nakatingin sa akin na para bang hindi niya nagustuhan ang mga narinig niya kay sir.

"Bumagsak siya kasi wala siyang record ng exam at performance task niya sa subject ko nitong nakaraang grading period which is ang laki ng hatak. I know it's impossible na hindi niya iyon natake sa akin pero hindi ko talaga mahanap ang exam paper niya maski ang record ng performance task niya kaya wala akong malagay na grade sa dalawang iyon kundi zero."

"Wala o winala?"

Napatingin kaming lahat kay Aki na biglang nagsalita.

"What do you mean Ishuaquin?" tanong ni sir.

"Baka kasi sir may nagsadyang iwala ng records niya," sagot ni Aki.

Bigla akong kinutuban sa sinabi ni Aki. Bakit hindi ko yun naisip? Oo, posible ngang may tao sa likod ng pagkawala ng records ko kasi hindi naman yun basta-bastang mawawala. Pero kung totoo man, sino? Sa dami ng naiinis sa akin sa school na ito gaya nila Stacey, hindi rin naman ako pwedeng basta na lang manuro at mangsisi.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon