CHAPTER 11

15.4K 715 94
                                    

"A-ano?!" agad akong napabalikwas sa sinabi ni Aki. Muntik ko pa ngang mabuga ang iniinom kong tubig.

"Ako ang tatabi sa'yo," sagot ni Aki ng walang pag-aalinlangan.

"Anong tatabi? Walang tatabi sa akin!" tumayo ako sa kinauupuan ko at humiwalay sa boys na pinalilibutan ako.

Kumunot ang noo ni Aki sa pagtanggi ko, mukhang hindi niya iyon inasahan. Nasanay kasi siya noong mga bata pa kami na ako pa nga minsan ang tumatabi sa kanya pag natutulog kami para makatulog ako ng mahimbing. Kahit may naging magchildhood best friends kami hindi na ako papayag ngayon noh, malalaki na kami, hindi na kami tulad noong mga bata pa kami na lagi kaming tabing matulog. Kumbaga, may boundaries na.

"Ganito na lang, si Mixhee ang matutulog dito sa couch. Tayong boys, sa sahig matutulog," suggest ni Collosus na ikinahinga ko ng maluwag.

"Fine," sabay nilang sabi.

Inaya kami ni Ashton na kumain matapos niyang magluto. Takam na takam ang lahat sa pagkaing hinanda niya. May talent naman pala siya sa pagluluto eh, akala ko pagsusuplado lang ang kaya niya.

Pagkatapos naming kumain, tinulungan ko munang maghugas si Clint at Luhan na hirap na hirap sa gawain, silang dalawa kasi ang nahuling kumain kaya sila ang naatasang maghugas. Pagkatapos, bumalik na kami sa sala. Hindi pa rin tumitila ang ulan pero at least hindi na kasing sobrang lakas ng kanina. Hinanda ni Ashton ang mga comforter at unan. Inayos na ng boys ang kanilang hihigaan habang ako ay nakaindian seat lang sa couch habang pinapanood sila. Nang makapwesto na kami sa pinakakomportable naming posisyon, ilang minuto kaming nakatitig sa kawalan ng walang imik.

"So, what to do?" humihikab na tanong ni Luhan.

Medyo inaantok na ako at papikit-pikit na rin ako. Parang nababagot na ako tapos napagod pa ako sa mga nangyari buong araw. Grabe, nalipat lang ako sa Section ANGAS, ang dami ng nangyari sa akin sa isang araw lang, nabulabog ang nananahimik kong buhay.

"Let's play a game!" sigaw ni Clint.

Agad akong nabuhayan ng diwa sa naisip ni Clint.

"Sige! Anong laro?" naeexcite kong tanong.

"Truth or dare."

"Game!" pumalakpak ako sa tuwa, "Tara---

"NOOOOOO!" sabay-sabay na sumigaw ang boys maliban kay Clint as if katapusan na ng mundo.

"Bakit?" I innocently asked.

"Bwahahahahahaha!" parang baliw na biglang tumawa si Clint. Tumayo siya at agad na pumunta sa kusina.

"Bakit ka pumayag Mix?" napasapo si Collosus sa kanyang ulo. Kumunot tuloy ang noo ko. Ayaw ba nilang maglaro?

"Bakit? Hindi ba dapat ako pumayag?"

"Oo, kasi para ka lang pumayag na makipaglaro kay kalokohan," sabi ni Aki tyaka niya binaon ang kanyang mukha sa unan.

"Bakit? Truth or dare lang naman yun."

"It's not just a mere truth or dare. It's a stupid and annoying truth or dare," irap ni Ashton.

"Hindi naman masamang makipaglaro kay Clint di ba?"

"Oo, pero it's totally annoying. Si Clint ang rule sa larong iyon. It's his game. Kaso pumayag ka na eh, so if I were you, kapag tumapat sa'yo ang bote, never say dare," warning ni Luhan. I suddenly felt uneasy. Gaano ba kaannoying ang larong yun?

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon