CHAPTER 43

11.3K 476 232
                                    

Luhan's POV


"I already made up my mind."


Andito kami ngayon ni Clint sa isang sulok, nagtatago kaming dalawa sa likod ng pader.


"I won't give you up that easily."


"Pashnea!" nanlaki ang mga mata ni Clint sa sinabi ni Aki.


Namilog ang mga mata naming dalawa at halatang hindi kami makapaniwala sa narinig namin. Nahulog ko pa nga ang lollipop ko dahil sa surpresa.


"Hala! Narinig mo yun bro--- Aray!"


Pinalo ko si Clint ng diyaryo sa ulo dahil sa bigla niyang pagsigaw. Loko 'tong lalakeng 'to, mahuhuli kami nito eh.


"Shhh! Itikhim mo nga yang bunganga mo bro," saway ko.


"Bro naman eh," nagpapadyak si Clint na parang bata, "Hindi mo ba narinig? Hindi raw susukuan ni Aki si Mixhee!"


"Hindi ako bingi bro," pinalo ko ulit siya.


"Aray!" himas ni Clint sa kanyang ulo.


"Kapag hindi ka tumigil, ihahagis talaga kita sa bintana."


"Aii, wag naman ganun bro. Manghinayang ka naman sa high quality kong genes," iiling-iling niyang bulong.


Napangiwi na lang ako sa pagiging GGSS nitong kaibigan ko.


"What's the meaning of this bro?"


Bigla kaming nagkatinginan ni Clint nang marinig namin ang boses ni Ashton. Hindi ako nagkakamaling si Ashton iyon! Patay, dumating na pala siya. Baka mag-wrestling yung dalawa!


Aalis na sana ako para puntahan sila sa dining area pero pinigilan ako ni Clint. Hinila niya ako pabalik sa kinatatayuan ko kanina.


"Ano ba bro? Bitaw," sabi ko.


"Shhh! Wag ka ng makialam doon bro."


Tinaas-baba lamang ni Clint ang kanyang dalawang kilay at ngumising parang aso. Nanggigil na ako sa kanya at pinalo ko ulit siya ng diyaryo sa ulo nang tatlong beses.


"Aray! Huhuhu!" nguso ni Clint.



"May saltik ka ba bro ha? Paano kung mag-wrestling yung dalawa?"


"Andun naman si Mixhee eh, siya yung referee," biro niya, "Basta mamaya na tayo umeksena. Makinig muna tayo."


"Sorry bro, nagpapakalalake lang ako."


Idinikit namin ang aming tenga sa pader nang magsalita na si Aki. Wala man ako roon pero ramdam ko na ang tensyon kela Aki at Ashton.


"Gusto ko rin si Mixhee, hindi ko siya agad isusuko sa'yo."


"She's mine bro, back off."


"No bro, she will be mine."


Napakagat na lang ako ng kuko habang nagkakatinginan kami ni Clint. Parang nasa telenobela lang sila.


Dahil nangawit na kami sa katatayo, nag-indian seat na lang kami sa sahig at hinarap ang isa't-isa. Tiningnan ko lang si Clint na mukhang malalim ang iniisip dahil nakahawak pa ito sa kanyang baba habang naniningkit ang kanyang mga mata.


Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon