CHAPTER 17

15.4K 618 140
                                    

Bumalik na kami sa classroom namin. Pagkadating na pagkadating namin doon ay agad akong pinalibutan nila Aki, Luhan, at Collosus. Walang imik silang naghihintay na magpaliwanag ako, samantalang sila Clint at Ashton naman ay hindi pa bumabalik mula sa paghahabulan nila. Saan kaya umabot ang dalawang yun?

"Swear, sinamahan lang talaga ako ni Ashton sa clinic. Walang malisya sa amin kanina," paliwanag ko.

Sabay-sabay na kumunot ang noo nilang tatlo.

"Ha? Hindi naman yun ang gusto naming ipaliwanag mo Mix eh," sabi ni Aki na lumapit sa akin at pinagmasdan ako, "Ipaliwanag mo sa amin kung ano ang nangyari noong sinaktan ka ng mga babaeng yun kanina."

Bakas ang pag-aalala sa mga mata nilang tatlo. Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi ni Aki. So, alam na nila ang tungkol sa nangyari sa akin, pero paano nila nalaman?

"Nagsumbong s-si Ashton?!"

"Hindi, si Luhan ang nagsumbong sa amin."

Napatingin ako kay Luhan na ngayon ay nginitian ako habang winawagayway ang kanyang lollipop sa ere. Kumunot ang noo ko. Si Ashton lang naman ang nakasama ko so paano niya nalaman?

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

Napahawak si Luhan sa kanyang baba na parang inaalala niya ang nangyari.

"Hmmm. Kanina kasi, napag-isipan kong magcutting. Mag-iisang buwan na kasing hindi ko yun nagagawa kaya nakakamiss gawin. Hehe," aniya, "So ayun, tumakas ako. Sa likod ako noon dumaan, inakyat ko pa talaga yung pader para lang ako makalabas. Muntik na nga akong mahuli ng isang guard kanina eh. Buti na lang nakapagtago ako---

"Get to the point bro," sabat ni Collosus.

"Aii, sorry hehe," nagpeace sign si Luhan, "Fast forward na tayo. So ayun, nakalabas na ako. Bumibili ako noon ng siomai nang may napadaang isang grupo ng mga babae, mga taga-kabilang school. Nagtaka ako kung ano ang ginawa nila sa teritoryo ng school natin. Hindi ko na lang sana sila papansinin kaso narinig kong binanggit nila ang pangalan mo, Mix, at sinabi nilang matatauhan ka na raw sa ginawa nila sa'yo. Kinutuban ako roon kaya imbes na umuwi ay tumakbo agad ako pabalik dito sa classroom para magsumbong kela Aki. Sayang nga hindi ko na nahintay yung siomai ko na with rice pa. Mukhang masarap pa naman yun kasi special siomai raw yun eh. Balak ko nga sanang balikan na lang yung siomai ko mamaya---

"Oops, tama na bro. Okay na yun," pagpipigil ni Collosus.

Napatungo na lamang ako habang kagat ang pang-ibaba kong labi. Hindi ko na matatago ang nangyari sa akin kanina dahil kitang-kita na maman na sa mga kalmot at pasa ko kung ano ang sinapit ko. Ayoko talaga pag may nag-aalala sa akin, naguguilty kasi ako. Kung nagawa ko lang sanang ipagtanggol ang sarili ko kanina, eh di sana hindi sila nag-aalala at nalulungkot ngayon para sa akin dahil sa nangyari.

"Pasensya na Mix kung hindi ka namin naipagtanggol sa mga babaeng yun," nalulungkot na sambit ni Aki, "Pangako, sisiguruhin naming mahahanap ng gang namin ang grupo na yun. Di namin palalagpasin ang ginawa nila sa'yo---


*BLAGGG*


"WAHHHHHH!"

Napalingon kami sa pintuan nang biglang dumating sila Clint at Ashton na mukhang hanggang dito ay naghahabulan pa rin sila.


*pok*


"ARAY! Ashton naman eh! Wala nga akong nakita!"


*pok*


Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon