CHAPTER 51

5.5K 230 66
                                    

Pagkatapos ng nangyari kay Collosus sa PE class, everyone was worried lalo na ang girls ng first section. Kesyo kawawa raw ang gwapo naming student council president. They even ran to him and they all volunteered to bring Collosus to the clinic, pero hindi pumayag si sir dahil ang dami raw nila. Collosus chose me to come with him at doon lang kami na-excuse.

"Okay ka lang ba talaga?" I worriedly asked the same question for the nth time.

He just had his cold compress at palabas na kami ng clinic.

"Okay lang talaga ako," Collosus chuckled as he scratched his head. Nakukulitan na ata siya sa akin.

"Sure ka?" I poked his head kung saan siya nasapul ng bola kanina. He winced that made me frown. He's hurt. He must have really had a hard hit on his head, "I'm really sorry."

Ako dapat ang nasa kalagayan niya ngayon kung hindi niya lang inako yung sakit na dapat ay para sa akin. Hindi niya kailangang gawin iyon. I can bear the pain anyway.

"You don't have to be sorry, Mix. Wala ka namang kasalanan," he smiled and messed my hair, "What matters is that you are fine."

"Thank you Collosus."

"No problem," he smiled, "Basta sa susunod na maglaro ka ng volleyball, don't just stare at the ball."

Napanguso ako at tumawa naman siya. I really sick at sport di tulad nilang lima na kahit ano sigurong sport ay alam nilang laruin.

Pabalik na kaming dalawa sa classroom. Pagdating namin, andun na sila Aki, Clint, at Luhan na agad sumalubong sa amin.

"Kamusta bro?" nag-aalalang tanong ni Luhan.

"Gwapo pa rin," kindat ni Collosus.

Kumunot naman ang noo ni Clint sa narinig niya at napangiwi pa siya.

"Naalog ata utak mo bro," biro ni Clint, "You should see a psychiatrist."

"You should also see a physician after my fist land on your face bro."

Clint nervously chuckled.

"Hehe, joke lang bro. Ikaw naman, di ka mabiro."

"Bro, may interschool event pa tayo sa Biyernes. Kailangan ka ng team kaya alagaan mo ang sarili mo," tapik ni Aki sa balikat ni Collosus.

"Yes captain," saludo ni Collosus.

Have I mentioned that Aki is the captain of the basketball team? Kahit papaano, pinamumugaran din ng leaders ang Section ANGAS. Kahit na minsan ay sakit sa ulo silang lima, maturity comes out from them when the situation calls for it.

Isang subject na lang at uwian na. Parang ang bilis tumakbo ng oras ngayon. Maigi akong nakikinig sa klase nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Pasimple ko iyong tinignan. May nag-message request sa akin sa Messenger. Himala, nag-ingay ang inaamag kong Messenger.

Napatingin ako kay Miss Daragon. Abala siya sa pagsusulat sa board. Habang hindi pa siya humaharao sa amin, linabas ko ang phone ko at agad na tinago iyon sa librong hawak ko para kunwaring nagbabasa lang ako.



1 message request

Ashton Froster



Namilog ang mga mata ko at agad na nagkarera ang puso ko nang mabasa ko ang pangalan ni Abo. The feeling of longing for him came rushing back to me. Napatingin ulit ako sa paligid. The boys are all taking down notes. When I saw no one is watching me, agad kong binuksan ang message ni Ashton.



Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon