CHAPTER 18

15.6K 528 54
                                        

Ilang gabi na akong hindi makatulog ng maayos matapos ang pag-amin ni Collosus. Hindi pa rin ako makapaniwala lalo na nang sabihin niyang matagal na ang nararamdaman niya para sa akin.

Paanong magkakagusto sa akin si Collosus eh hindi naman ako kagandahan? Ginayuma ko ba siya nang hindi ko namamalayan? Gets ko sana kung kay Ate Leian siya magkakagusto although hindi iyon magugustuhan ni Kuya Iggy, pero hindi ko talaga magets kung bakit ako ang gusto niya. Nerd lang ako samantalang gwapo't sikat na heartthrob slash gangster naman siya, parang langit siya at lupa ako, alam niyo yun? Kaya napakimposible talaga!

Heto ako ngayon, nakadungaw sa bintana, pinagmamasdan ang kalangitan na napupuno ng mga bituing pumapaligid sa buwan. Ilang gabi na akong binabagabag ni Collosus. Aish! Yung lalakeng kasing iyon! Pinagtritripan niya ata ako.

*sigh*

Simula noong umamin si Collosus sa akin ay medyo naawkward na ako sa kanya. Nahihiya na akong i-approach at kausapin siya lalo na kapag kami lang dalawa ang magkasama, samantalang siya? Hindi ko alam kung bakit ganun pa rin ang pakikitungo niya sa akin na prang walang aminang nangyari. Normal lang siyang nakikipag-usap sa akin. Obviously, ako lang ang naiilang sa aming dalawa. Pero bakit hindi siya naaawkward sa akin na parang wala lang sa kanya ang nangyari samantalang ako ay ilang gabi ng puyat dahil sa kaiisip sa revelation niya.

Baka naman kasi trip lang ni Collosus iyon? Baka naman isa lang iyon sa mga kalokohan niya? Baka naman hindi niya talaga ako gusto?

Kinabukasan, maaga akong nagising. Sabay-sabay na kami nila Aki, Ate Leian at Kuya Igguel na pumunta sa school, pero bumaba rin ako sa kanto.

"Saan ka pupunta, Mix? Sasamahan kita," sabi ni Aki na nagtatangka na ring bumaba ng kotse.

"Wag na Aki! May bibilhin lang ako. Mauna na kayo," sabi ko, "See you na lang sa room."

Hindi ko na hinintay pang bumaba si Aki. Tumakbo na ako palayo. Hindi totoong may bibilhin ako, ayoko lang talagang sumabay sa kanilang tatlong pumasok. Sikat sila sa buong campus, hinahangaan sila ng marami. Nakakahiya naman kung sa kanila ay sasabay pa ako, eh isang nerd lang naman ako at kinaiinisan pa ng girls mula noong nalipat ako sa Section ANGAS.

Ilang minuto muna akong tumambay sa labas, pagkatapos ay pumasok na rin ako. Nasa gate pa lang ako nang makita kong tumatakbo papalapit sa akin ang limang boys na ayoko sanang makasalubong ngayon sa hallway dahil makakaagaw kami ng atensyon.

"Mixhee!!!" tawag ni Clint, "Mix!!"

Napapikit na lamang ako nang muling isigaw ni Clint ang pangalan ko. Napukol agad sa amin ang atensyon ng mga estudyante gaya ng inaasahan ko. As usual, tinadtad na naman ako ng mga irap ng mga babae at naging laman na naman ako ng mga bulungan nila.

"Ano?" nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero sinundan pa rin nila ako. Kunwari na lang hindi ko sila kinakausap kaya tinakpan ko ang bibig ko ng libro.

"Tinuruan mo raw si Aki ng assignment natin sa Math," nguso ni Clint.

Tumango ako. Oo, pumunta kagabi si Aki sa bahay namin para magpaturo tungkol sa assignment. Tinuruan ko naman siya. Mabuti nga yun kasi nagkakaroon na siya ng interes sa lessons namin.

"Turuan mo rin kami," sabi naman ni Luhan, "Please."

Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan ko sila isa-isa.

"Sure kayo?" tanong ko at sabay-sabay naman silang tumango. Yun lang pala eh. Why not, sure.

"Sundan niyo ako."

Imbes na sa classroom kami didiretso, naglakad ako patungo sa ibang direksyon. Parang mga tuta namang nakasunod sa akin ang lima. May 30 minutes pa naman before magbell para sa first subject kaya matuturuan ko pa sila.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon