Naghabulan ang dalawang boys sa buong mansiyon kanina. Galit si Ashton kay Clint dahil sa pang-eepal daw nito. Ayaw naman magpahuli ni Clint kaso kamalas-malasang na-corner siya ni Ashton.
"Bro naman! Pakawalan mo na ako," nguso ni Clint kay Ashton.
Halos masira na ang eardrums ko sa sobrang tinis ng boses niya. Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa kinalalagyan niya ngayon. Tinali kasi siya ni Ashton sa upuan kaya ayan siya't nagmamaktol na parang bata.
"Broooooo!"
"Abo, pakawalan mo na lang kaya si Clint?" bulong ko.
"Nope. Tinuturuan dapat ng leksyon ang mga epal," ismid ni Ashton.
"Wahhhhh! Broooo! Di na ako uulit! Sorry na!"
"Tss, that's what you also said the last time you ruined our moment."
Napabuntong-hininga ako at napakamot sa aking ulo. Ang kukulit ng dalawang ito, parang mga batang ayaw magpaawat.
"Sige na Ash, pakawalan mo na siya."
"But he---
"O, pakinggan mo si Mixhee bro! Pakawalan mo na raw ako," sabat ni Clint.
"I don't need your opinion bro," irap ni Ashton.
Tumungo at ngumuso na lamang si Clint. Ibinaling ulit ni Ashton ang atensyon niya sa akin. Yumuko siya para magkalebel ang mukha namin na ikinabigla ko.
"And why would I?" tanong niya.
Nag-iwas agad ako ng tingin at napaatras dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ibang klase talaga ang epekto ng presensya niya sa akin.
"K-kasi," napatingin ako kay Clint.
Nag-puppy eyes pa siya sa akin. Naawa na tuloy ako sa kanya. Mukhang wala pa naman siyang balak pakawalan ni Ashton.
"Give me a valid reason then I'll let him go."
Napabuntong-hininga ako.
"Kasi di ba? Baby Halo-halo mo ako. Dapat sinusunod mo ang sinasabi ng girlfriend mo," nakapameywang kong sabi.
I slapped myself mentally dahil sa naisip kong rason na iyon. Feeling ko tuloy namumula na ako ngayon. Biglang may pilyong ngiti ang gumuhit sa labi ni Ashton. Oh no, parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko.
"Really?" he chuckled.
Nag-iwas ulit ako ng tingin pero binawi niya rin agad iyon. Napairap tuloy ako ng wala sa oras.
"You're right," tatango-tango niyang sabi, "You're my girlfriend so I must do as what you say. Fine then, I'll let him go if you only say the magic words."
Kumunot ang noo ko samantalang mas lalong lumapad lang ang kanyang ngisi. Iyon lang pala ang hinihingi niya, isang magic word na please.
"Please," sabi ko.
Obvious na ngumiti ako nang plastik na ikinabusangot ng mukha ni Ashton.
"That's not the magic words," he pouted.
"Huh?" nagtagpo ang dalawang kilay ko, "Pretty please?"
Umiling-iling siya.
"Luh? Anong magic word ba ang tinutukoy mo?" naguguluhan kong tanong.
"Seriously? You don't know?"
"Kung alam ko eh di sana nasagot kita ng tama, di ba?"
"Tss. Three words, 1 . . . 4 . . . 3," tipid niyang sabi. Inisip kong mabuti kung ano yung three words na yun.
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...