CHAPTER 46

11.1K 385 131
                                    

Luhan's POV



"Tara boys, mag-aral ulit tayo."


Nagkatinginan kami ni Clint nang mapansin namin ang abot tengang ngiti ni Mixhee sa labi. Kanina pa siya nakangiti, hindi ba siya nangangawit? Pansin naming good mood na good mood siya magmula lang noong dumating siya sa classroom matapos ang vacant. May nangyari ba?


"Malapit na ang exam kaya dapat nagsisimula na tayong mag-review," ngiti ulit ni Mixhee.


Masayang naglabas siya ng mga makakapal na libro at inilatag niya ang mga iyon sa harap namin ni Clint. Napalunok tuloy kami ni bro ng laway nang wala sa oras. Mukhang hindi na kakayanin ng brain cells ko na iproseso ang lahat ng mga nasa librong iyan.


"Y-yan na yan?" nauutal na tanong ni Clint.


"Nope," iling ni Mixhee, "Kukuha pa ako sa library mamaya."


Namilog ang mga mata namin ni Clint at halos mahulog ang panga namin. Sumasakit na ang ulo namin ni bro sa kaaaral samantalang itong si Mixhee ay mukhang nag-eenjoy pa. No wonder she tops academically.


Ang swerte naman ng tatlo na wala rito. Si Collosus kasi nasa student council meeting, si Ashton tinutulungan ang ate niya sa principal's office, at si Aki naman ay pinatawag ni coach sa gym.


"Sige na boys, learning is fun naman, di ba?" sabi ni Mixhee na ikinangiwi ko.


Hindi na kami nakatanggi. Kanya-kanya na lang kaming buklat ng libro. I sighed. Mukhang gra-graduate ako ng may honor ngayon dahil kay Mixhee.


"Sabagay, learning is more fun with crush," nakangising bulong ni Clint.


Nagtagpo ang kilay ko. Ang landi talaga ng isang ito.


"Mixhee," tawag ni Clint.


"Bakit?" tanong ni Mixhee nang hindi inaalis ang kanyang mga mata sa libro.


"Pwede tayong mag-share ng libro? Mukhang interesting yan eh," nguso ni Clint na halatang nagpapa-cute kay Mixhee.


Tss, di bagay sa kanya. Porket wala si Ashton para bumakod kay Mixhee, umaaligid na siya. Ang harot talaga, tsk.


"Oii Clint! Kasali ka naman sa student council, bakit di ka na lang sumama kay Collosus sa meeting?" irap ko.





Para ko naman ma-solo yung crush ko. Hehehe.





"Escort ako bro. Ang mga gwapong escort na katulad ko ay di na kailangang mag-attend ng meeting. Pagkakaguluhan lang ako roon."


Ang hangin talaga ng kupal na 'to. Tsk, gwapong-gwapo sa sarili!


"Ang sabihin mo bro, wala ka namang maiaambag sa meeting," I murmured.


"Oii boy lollipop, narinig ko yun!"


Tatayo na sana si Clint para ako batukan pero pinigilan agad siya ni Mixhee.


"Shhh. Mag-aral kayo."


Biglang umamo ang mukhang aso ni Clint at agad siyang bumalik sa pagkakaupo. Ngiting-ngiti pa ang gago habang pinapasingkit ang mga mata niya, kunwari chinito. Pabebe, jusko!


"Tabi na lang tayo para maka-share ka," sabi ni Mixhee.


Parang nag-hugis puso ang mga mata ni Clint at walang pag-aalinlangang tumabi siya kay Mixhee. Patay siya kapag mahuli siya ni Ashton na nag-aala hokage siya kay Mixhee.


Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon