CHAPTER 29: PART 1

11.4K 550 88
                                    

Tim's POV




"A-aray! Ano ba?! Dahan-dahan lang," I hissed.

"Pffft!"

"Sige, tumawa ka Sanji kung gusto mong ako ang pumutol sa dila mo," banta ko sa lalakeng nakangisi at kanina pa nagpipigil sa pagtawa.

"Dude, saang lupalop mo ba kasi nakuha yang black eye mo?" tanong niya.

Kumulo na naman ang dugo ko nang maalala ko ang nangyari kanina.

"Wag ka ng magtanong. Psh."

Lintek yung Ashton Froster na yun! Suntukin ba naman niya itong gwapo kong mukha?! Nag-iwan pa siya ng black eye! Anong akala niya sa akin? Panda? Nakakabanas talaga yung lalakeng yun!

Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit kanina pa ako napapadaing sa mga pasa ko sa mukha. Pagkamalan ba namang ako ang kumidnap kay Mixhee. Tch! Bad trip!




*Flashback*



"Dude, lumabas na ng school yung Mixhee na sinasabi mo," sabi ni Sanji.

Nahagip ng mga mata ko ang babaeng nakasalamin at mag-isang naglalakad. Hindi ko maiwasang titigan at hangaan siya mula sa malayo. Ang cute niya, para siyang inosenteng kuting na tumatawid sa kalsada.

Simula pa noong elementary kami, hinahangaan ko na talaga si Mixhee. Bukod kasi sa matalino siya, ang bait pa niya. Nakakalungkot lang na hind na niya ako naaalala at namumukhaan. Hindi ko naman siya masisisi dahil ang laki na ng pinagbago ko.

Kaming dalawa ni Mixhee ang laging binubully dati sa school. Kung siya ay binubully dahil sa pagiging nerd, ako naman ay binubully dahil sa pagiging mataba. Una ko siyang hinangaan noong pinagtanggol niya ako sa mga nambubully sa akin. Matapang niyang hinarap ang mga iyon at ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang umiyak samantalang ako, isang pitik mo lang sa akin noon ay hahagulgol na ako. I was weak before, pero hindi na ngayon. I changed at simula noong nagbago na ako, pinangako ko sa sarili kong wala ng pwedeng manakit sa akin.

Kasalukuyan kaming nagtatago sa isang poste. Balak naming kidnapin si Mixhee. Bakit? Kasi gusto naming asarin sila Ishuaquin. Alam ko naman kung gaano kalapit at kaespesyal si Mixhee sa kanila. She's their weakness kaya gagamitin namin siya. Kikidnapin lang naman namin si Mixhee at itatago nang pitong oras tapos pakakawalan na rin namin siya. Gusto lang naming inisin yung mayabang na gang nila Ishuaquin.

Hindi naman talaga dapat madadamay si Mixhee sa away namin nila Ishuaquin, kaso pumasok siya sa buhay ng ANGAS boys. Ang kaibigan ng kaaway ay kaaway na rin, yan ang mantra ng gang namin. Alangan naman tumaliwas ako sa gang na tumanggap sa akin at bumuo sa pagkatao ko ngayon.

"Let's move," utos ko.

Agad na sumunod sa akin ang mga kagrupo ko. Lalapitan ko na sana si Mixhee nang may biglang sumulpot na dalawang lalakeng pinagitnaan siya kaya napahinto ako sa paglalakad. Sino ang mga iyon?

"Ano na Tim?" naiinip na sabi ni Sanji.

I raised my hand to shut him up.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang inaabangan ang susunod na mangyayari. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang pasimpleng dumukot ng kutsilyo ang isa at tinutok iyon sa likod ni Mixhee. Para akong binuhusan ng malamig na yelo sa kutsilyong any moment ay pwedeng saktan si Mixhee.

Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila, pero isa lang ang sinisiguro ko, hindi maganda ang mga susunod na mangyayari. Naalarma na lang ako nang sumama sa kanila si Mixhee kahit na bakas sa kanyang mukha ang takot at kaba.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon