CHAPTER 2

20.3K 759 149
                                    

Ang daming nagkukumpulang mga babae sa canteen para lang makita yung limang lalakeng iyon. May mga balloons at banners pa silang dala. Yung iba nakat-shirt pa na may mukha nila. Ano 'to? Concert? Tss.

"Umm . . . E-excuse me," sabi ko na pilit sumisiksik sa kanila.

"Kyaahhhh!!! Ishuaquin!"

"Ashton!!! Wahhhhh!!!!"

"A-aray naman!" daing ko sa pagkakagulo nila.

Grabe, ang haharas ng mga 'to! Hindi ba pwedeng kiligin nang walang hampasan? Nanghihila pa ng buhok! Bwesit! Sabi ko sa inyo eh, panggulo sa buhay ko yang limang lalakeng yan. Tch! Nananahimik lang ako kanina hanggang sa dumating sila.

"Wahhh!!! Ang gwapo mo po Collosus!!! Kyaahh! Ikaw din Clint! My goshhhh! "

"Luhan oppa! Notice me please!! Andito ako!!"

Malapit na ako sa exit.

"Hala?! Asan na ang boys?"

"Nawala?"

"Kayo kasi eh! Nasisiksik yung mga asawa ko dahil sa kaharutan niyo kaya malamang umalis na sila!'"

Konting-konti na lang. Makakalabas na ako---

"KYAHHHH! Ayun sila girls! Sundan natin!"

*BLAGGG*

Palabas na sana ako ng cafeteria nang magtakbuhan sila sa direksyon ko. Walang pag-aalinlangan nila akong tinulak para di ako makaharang sa daanan nila kaya ang ending, nagdive ako sa sahig.

"Bwesit! Hmp! Kasi naman eh! Bakit pa kasi nagpunta sa cafeteria ang mga lalakeng yun? Gumugulo ang mundo ko pag nakikita ko sila eh, arghhh!" padabog kong sabi habang inaayos ang palda ko.

"Girls baka nasa basketball court ang boys!! Yieee! Let's go!" sigaw ng isang babae. Agad namang sumunod ang lahat sa kanya.

Sinundan ko ng tingin ang nagkukumpulang mga babaeng nagtatakbuhan papunta sa court. Napailing-iling na lamang ako. Bakit sila ganyan kapatay na patay sa limang mga lalakeng yun? Eh wala namang ginawa sa buhay ang mga yun kundi ang huminga. Tsk. Tsk. Tsk. Hinding-hindi talaga ako tutulad sa kanila.

Tuluyan na akong umalis sa cafeteria. Naglalakad ako papuntang hallway nang mapadaan ako sa hilera ng mga glass windows.

0____0

Nagulat ako sa itsura ko nang makita ko ang sarili kong repleksyon. Para akong nagang rape! Magulo na nga ang buhok ko nabaliktad pa ang salamin ko. Natanggalan din ng butones ang blouse ko. Halos mahubaran ako sa kaharutan ng mga estudyante kanina! Kasalanan to ng limang walking krayola na yun eh! Kung di sila dumating edi sana payapa pa rin akong kumakain sa cafeteria at di ako nagkaganito!

Bago pa man may makakita sa akin, naghanap na agad ako ng comfort room. Nang may mahagilap ako, hindi na ako nagdalawang isip na takbuhin iyon dahil kapag may makakita sa akin, baka kung ano pa ang isipin na may ginawa akong kababalaghan.

Hingal na hingal kong linock ang pinto ng comfort room. Hindi pa rin ako makapaniwala nang makita ko na naman ang repleksyon ko sa salamin. Napabuntong-hininga na lamang ako habang iniisip kung paano ako lalabas nang maayos ang itsura ko mamaya.

"Para akong nagang rape," sabi ko habang napapakamot sa ulo ko, "Kasi naman! Yung limang lala---

"What the hell are you doing here?"

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon