CHAPTER 14

15.4K 680 87
                                    

Ilang segundo na kaming nagkakatitigan. Hindi pa rin ako makapaniwalang ang lalakeng ito ang naglakas-loob para iligtas ako, pero bakit niya ginawa iyon?

"Tim?" kunot-noo kong bigkas sa pangalan niya.

Gumuhit ang pilyong ngiti sa kanyang labing tumatak sa akin mula noong una ko siyang nakita sa gang war.

"Ang reckless mo pa rin," aniya.

Mas lalong nagtagpo ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Bakit ganun? Kung makapagsalita siya akala mo ang tagal na naming magkakilala.

"Anong pinagsasasabi mo?" tanong ko.

"Hindi ka man lang ba magpapsalamat sa pagligtas ko sa'yo?" he grinned without even bothering to answer my question.

Natauhan ako sa sinabi niya. Oo nga pala, siya ang nagligtas sa akin kaya dapat lang na magpasalamat ako sa kanya. Kung hindi dahil kay Tim, baka wala na akong malay ngayon habang sinusugod ako sa ospital.

"S-salamat."

"You're welcome," he replied, "Sandali lang."

I was caught off guard when he leaned forward to me. Inayos niya ang salamin kong hindi ko namalayang natabingi matapos ang nangyari kanina. Hindi mapigilang uminit ng magkabila kong pisngi dahil sa liit ng distansyang pumapagitna sa amin.

"Next time, wag kang tatawid nang basta-basta. You're lucky I saw and saved you there."

I hesitantly nodded. He patted my head.

"MIXHEE!!!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. I saw the boys running worriedly towards me, kaso nang harapin ko ulit yung lalakeng nagligtas sa akin, he disappeared. Inilibot ko ang paningin ko pero hindi na ulit nahagilap ng mga mata ko si Tim. Hindi ko man lang siya napasalamatan ng sobra. One thank you is not enought for saving my life there. I was left standing alone and all I can hear is the fast beat of my hear.

*pok*

"ARAY!"

Pinitik ni Collosus ang noo ko. Nasa harapan ko na pala ang boys. How long was I thinking about that guy?

"Are you alright?" tanong ni Ashton na pinaikot-ikot pa ako para tignan kung may galos ba ako sa katawan.

"Okay lang ako," sagot ko habang sinusubukan ko pa ring hanapin si Tim.

Hindi mawala sa isip ko si Tim. Nakakapagtaka ang mga kinikilos niya sa tuwing kaharap ko siya, parang may something. First impression ko sa kanya, masama at mayabang siyang tao plus the fact na kaaway pa niya sila Aki. Pwes, mali pala ako ng inaakala. Mabait naman pala siya eh.

"Teka nga pala, who saved you? Muntik ka ng masagasaan kanina Mix," nag-aalalang tanong ni Collosus.

Tinangka niya ring hanapin ang lalakeng nagligtas sa akin, pero gaya ko, wala rin siyang nahagilap.

"A-ahhh . . ."

Sasabihin ko bang si Tim ang nagligtas sa akin? Kung sabihin ko man, maniniwala ba silang ang nagligtas sa akin ay ang pinakainiinisan nilang kaaway? Malamang magagalit sila pag mabanggit ko ang pangalan ni Tim. Baka magkagulo lang kung umamin ako. Siguro, mas mabuting manahimik lang muna ako.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napangiti. I shrugged.

"Hindi ko kilala Collosus," sagot ko, "Pero nakasisiguro akong mabait siyang tao. Siya ang knight in shining armor ko."


*pok*


"ARAY!" napahimas na naman ako ng noo nang pitikin iyon ni Ashton.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon