Mabilis na dumaan ang mga araw. Weekend na naman at maaga akong nagising dahil may lakad ako kasama ang boys at si Ate Ashley.
Flashback
Uuwi na sana ako kasabay ang boys nang ipatawag ako ni Ate Ashley kaya andito ako ngayon sa principal's office kasama sila Ashton, Aki, Collosus, Luhan, at Clint.
"Bakit andito kayong limang mga asungot kayo? Di ba si Mixhee lang ang pinatawag ko?" nameywang at nagtaas ng kilay si Ate Ashley.
"Whatever," sabay na sabi ng boys.
Tinaasan lang din nila ng kilay ang principal na parang iniinis pa nila ito. Magarang nakaupo si Ashton sa couch habang naka-de kwatro na parang isang hari. Nakasandal naman si Aki at Collosus sa pader na parang mga gwapong gangster sa kanto. Samantalang si Luhan na, as usual, may subong lollipop at si Clint na suot ang kanyang paboritong shades ay nakaupo sa sahig na parang mga Bench models.
Napakamot na lamang ako sa ulo habang pinagmamasdan ang lima na magkakasama sa isang tabi. Para silang naka-pose para sa isang picture frame ng magkakapatid mula sa mayamang pamilya o di kaya'y sa poster ng mga artista na nasa isang malaking billboard.
"Nagpumilit kasi sila Ate Ashley eh," sabi ko.
"I won't blame you Mixhee kasi sa lagay ng limang yan, jusme sasakit lang ang ulo mo," she rolled her eyes, "Brats."
"Gwapong brats," Clint wiggled his eyebrows.
Inirapan lang siya ng principal namin. Bumalik na sa table si Ate Ashley at lumapit ako sa kanya. May sasabihin daw kasi siya sa akin.
"You see Mixhee," panimula ni Ate Ashley, "I witnessed what Stacey Montero and her friends did to you."
"Yung ano po?" I asked though I already have a clue kung ano iyon.
"Yung pambu-bully nila sa'yo. Muntik ka pa ngang pagbuhatan ng kamay ni Stacey."
"Ano?!" the boys exclaimed na napabalikwas sa kinalalagyan nila dahil sa narinig nila.
"Binu-bully nila ang paborito naming classmate?!" tinanggal ni Clint ang kanyang shades at naningkit ang kanyang mga mata.
"Stacey Montero? Di ba yun yung muse ng basketball team natin last year?" tanong ni Luhan, "Yung nagpumilit kay coach na siya na raw ang kuning muse."
"Tsk, as the student council president, bibigyan ko sila ng isang pad ng detention slip at paglilinisin ko sila ng cafeteria," ismid ni Collosus.
"Hindi ako pumapatol ng babae pero pumapatol ako ng hipon," sabi ni Aki.
"They messed with my girl, I'll mess with them" Ashton coldly said.
Napailing-iling na lamang kami ni Ate Ashley. Mas nag-react pa sila kesa sa akin.
"This is why I don't want them to be here," Ate Ashley rolled her eyes, "Wag nga muna kayong maingay, boys. Kitang nag-uusap pa kami ni Mixhee eh."
Sandaling tumahimik naman ang boys pero maya-maya ay nagbulungan sila na parang mga bubuyog. Napabuntong-hininga si Ate Ashley at binalik na lang niya ulit ang tingin niya sa akin.
"Talaga po Ate Ashley?" I bit my lips.
"Yes and I don't tolerate bullying in this campus. Stacey and her friends can face major sanction because of what they did. They can be expelled. They---
"For the first time in forever, I agree with you, sis!" sabat ni Ashton.
"Tama! I-expel na yang mga yan!" sabat din ni Aki.
![](https://img.wattpad.com/cover/126233020-288-k403745.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
أدب المراهقين[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...