CHAPTER 24

11.7K 496 153
                                    

May tagos ka

Hindi agad rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Clint. Natigilan lang ako habang nakaawang ang bibig ko. Tama ba ang rinig ko? May tagos ako?

"H-ha?"

"Sabi ko may tagos ka," nagpapanik na bulong ni Clint.

Anak ng pusang gala, tama nga ang rinig ko! Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Clint na nakapulupot sa beywang ko.

"H-hindi magandang biro 'to Clint!"

"Seryoso ako Mixhee," mariin niyang sabi, "Hindi ka ba nagnapkin?"

"Clint naman eh!"

Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan. Kung minamalas ka nga naman. Sa harap pa talaga ni Clint ako tinagusan! Wala na akong mukhang maihaharap! Lupa kainin mo na ako!

"Anong gagawin ko!?" mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Clint. Naku, wag siyang magkakamali na iwan ako, "Wag kang bibitiw! Dito ka lang Clint!"

"Oo---

"Bro? Bakit mo yinayakap si Mixhee?"

Gulat kami ni Clint na napalingon kela Aki na kararating lang. Nangunot ang kanilang mga noo nang makita nila ang nakapulupot na kamay ni Clint sa beywang ko at kung paano ko ito hawakan.

"Bro, Mixhee is off limits," sabi ni Aki at tangkang ilalayo na niya si Clint sa akin pero pinigilan ko siya.

"Wag!" sigaw ko, "Please."

Nagulat si Aki sa naging reaksyon ko.

"Bro, you're too close. That's invasion of personal space," sabi ni Ashton.

"Emergency 'to bro," paliwanag ni Clint.

"Anong klaseng emergency naman yan, bro?" tanong ni Collosus.

"Ano ba ang nangyayari Mix?" naguguluhang tanong sa akin ni Luhan habang subo ang kanyang lollipop.

Sa akin naman nalipat ang atensyon nilang apat na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko. Paano ko ba sasabihin sa harap ng mga lalakeng ito na tinagusan ako? Ang awkward naman nun!

"M-mas mabuti na lang sigurong hindi niyo malaman boys. Hehe," pilit kong tawa pero ikinasingkit lang ito ng mga mata nila.

"Mix, mas mabuti kung sasabihin mo sa amin," sabi ni Aki. Paano ko ba sasabihin?

Aangal pa sana ako kaso binigyan na ako ni Clint ng sabihin-mo-na-lang look. Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na akong choice. Sila lang naman ang makakatulong sa akin sa mga oras na ito eh.

"Ano ba kasi ang meron?" tanong ni Luhan.

Napabuntong-hininga ako at hinanda ko ang sarili ko. Hinarap ko sila pero di ko magawang tignan sila nang diretso sa mata.

"R-red days," bulong ko.

Mariin akong napapikit habang kagat ang labi ko. Nakakahiya!

"Ha?" nagtagpo ang kanilang mga kilay. As expected, they won't get it.

"P-pulang araw."

"Tinagalog mo lang eh," napangiwi si Clint, "Diretsuhin mo na."

"We don't get you," sabi ni Ashton.

"M-may awas."

"Ano?"

Mas lalong nalukot ang mga mukha nila. Napailing-iling na lang si Clint sa akin. Wahh! Umiinit na ang pisngi ko sa kahihiyan na 'to eh!

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon