CHAPTER 31

12.2K 490 148
                                    

Weekend na pero hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari noong isang araw. Matapos nun, hindi na ulit kami nagkakasama ni Bella. Kapag magkakasalubong kami sa school, iniirapan na lang niya ako. Nabalitaan ko ring, bina-back stab niya ako. Hindi na siya yung Bella na nakilala ko dati. Well, kung ayaw na niya akong maging kaibigan, eh di ayaw ko na rin. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya.

Si Aki naman ay hindi na pumasok matapos ang nangyari hanggang sa nag-Sabado na lang. Hindi ko alam kung bakit, wala akong balita sa kanya maski sila Ashton. Nahihiya naman akong bisitahin siya sa bahay nila. Hiyang-hiya pa rin ako sa pag-amin ko sa nararamdaman ko para sa kanya at sa pag-iyak ko sa harapan niya.

Papasok na ako ng bahay. Galing ako sa isang store, inutusan kasi ako ni mama na bumili ng patatas, magluluto raw siya para sa hapunan namin.

Actually ka-text ko si Ashton. Noong una nagtanong lang siya kung ano ang assignment pero bigla na lang niya akong inasar hanggang sa humaba na itong conversation namin.

"O, bakit ganyan ang mukha mo Mix?" nagtatakang tanong ni Ate Leian habang tutok na tutok siya sa laptop niya. Pusta ko, nanonood na naman yan ng  K-drama.

"May bwiset kasing Abo na nagtext sa akin," ismid ko.

"Abo?"

Malamang di alam ni ate kung sino si Abo, si Ashton lang naman kasi ang kilala niya. Hindi na ako nag-abalang sagutin si ate. Pinuntahan ko na lang si mama sa kusina.

"Anak, andyan ka na pala," sabi ni mama at kinuha sa akin ang pinamili ko, "Bakit ka nakabusangot?"

"Si Abo po kasi."

"Abo?"

"Wala, si Ashton lang po."

"Ahhhhh," tatango-tangong sabi ni mama.

"Sige ma, aakyat na po ako---

"Teka nak!"

Natigilan ako sa hagdanan at napatingin kay mama. Pinaningkitan ako ng mga mata ni mama na para bang kinikilatis niya ako.

"Po?"

"Boyfriend mo ba si Ashton, nak?"


*cough*


*cough*


*cough*


Napabalikwas ako sa kinalalagyan ko at muntik pa akong mahulog sa hagdanan kung hindi lang ako nakahawak.

"Po? Hindi po! Napakaimposible!" iiling-iling kong sagot at halos hindi na maipinta ang mukha ko, "Bakit niyo naman po natanong mama?"

"Kasi anak, pansin kong madalas ka na niyang hinahatid dito sa bahay galing school nitong mga nakaraang araw tapos ngayon may endearment ka pa sa kanya. O, di ba gawaing magjowa lang naman yun?"

"Mama walang malisya yun. May sapi lang talaga ang lalakeng yun kaya bumabait minsan. At yung 'Abo' naman, mama hindi endearment yun. Asar po ang tawag doon. ASAR," paliwanag ko.

"Suss, diyan yan nagsisimula eh, sa asaran," bulong ni mama.

"Ano ma?"

"Wala," kindat niya at ngumiti ng makahulugan.

Kumunot na lamang ang aking noo. Hindi ko na lang pinansin si mama at pumunta na sa kwarto ko.

"Nga pala anak!" sigaw ulit ni mama mula sa baba, "Uutusan kitang pumunta kela Aki!"

Namilog ang mga mata ko at natigilan ako sa pagsara ng pinto ng kwarto ko. Tama ba ang rinig ko? Pupunta ako kela Aki?! Pero, wala pa akong mukhang maihaharap sa kanya! Mas mabilis pa sa alas kwatrong bumalik ako sa kusina at lumapit kay mama.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon