Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Dati naman, utak ko lang ang naguguluhan sa kung ano ba ang tamang sagot sa isang mathematical problem, pero bakit ngayon puso ko na ang naguguluhan sa kung sinong lalake ang gusto ko?
Napatungo at napabuntong-hininga si Aki nang hindi ko siya masagot.
"Do you still like me Mix?"
Parang umurong ang dila ko sa kanyang tanong. Tinignan ko lang ang mga mata niyang puno ng pag-asang gusto ko rin siya. Oo o hindi lang naman ang pagpipiliang sagot pero nahihirapan pa rin akong pumili sa dalawa. Masyado akong naguguluhan ngayon. Nalilito ako sa nararamdaman ko. Dapat nga kiligin na ako pero bakit wala lang sa akin ang lahat confession ni Aki? Siya pa rin ba ang lalakeng gusto ko? Posible bang sa iba na tumitibok ang puso ko?
Ang gulo, sobrang gulo nitong nararamdaman ko. Ano ba ang alam ko pagdating sa pag-ibig? Love is purely a human chemical reaction. That's it. Kung iisipin, malala na siguro itong mga nangyayare sa sistema ko.
"Tinatanong kita Mix," sabi ni Aki, "Do you still like me?"
Nag-aalanganin akong sumagot. One word can affect everything. Hindi dapat ako magpadalos-dalos.
"I-I," I stuttered as I averted my gaze, "I don't know."
Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Napatungo si Aki at maya-maya ay binitawan na niya ang kamay ko.
"Alam ko na," sabi ni Aki. Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa kanyang labi.
"Ang ano?"
"Yung sagot mo sa tanong ko," aniya, "I found my answer in your hesitation Mix."
Napaawang ang bibig ko sa tinugon ni Aki. Mas bumigat ang paghinga ko. Paano niya nalaman ang sagot ko gayong ako nga mismo ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko?
"If you hesitate in choosing between me and Ashton, don't choose me dahil ibig sabihin lang nun ay hindi na ako ang lalakeng gusto mo," nag-angat ng tingin si Aki at sumalubong sa akin ang malulungkot niyang mga mata.
"P-paano mo yan nasabi?" I bit my lips.
"Hindi ka naman magdadalawang-isip sumagot kung ako naman talaga ang gusto mo."
I was taken aback on Aki's response. Hindi ko iyon inasahan. Humakbang papalapit sa akin si Aki.
"Tatanungin ulit kita sa ikatlong pagkakataon," aniya, "Mixhee, do you still like me?"
Ako naman ngayon ang napatungo at napabuntong-hininga. He has a point and it makes things clearer to me now. Pinakinggan ko ang binubulong sa akin ng puso ko. Hindi na dapat ako magpakamanhid sa nararamdaman ko. Kailangan kong maging honest di lang para sa sarili ko kundi para na rin kay Aki dahil kami lang din ang masasaktan sa huli kapag paniwalaan namin ang hindi dapat.
"Aki s-sorry," mariin akong napapikit, "Hindi na."
Aki sighed deeply. He nodded while patting his chest. Nang mapamulat ako ng mata ay bumungad agad sa akin ang malungkot na mukha ni Aki. Nasaktan ko ang best friend ko. I felt sorry for saying no.
"Though I see it coming, it still hurts," he whispered.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yinakap ko si Aki nang mahigpit para siya i-komfort.
"Sorry talaga Aki," sabi ko.
Aki was caught off guard. Sandali siyang natigilan sa pagyakap ko hanggang sa napabuntong-hininga siya. Maya-maya ay naramdaman ko ang kanyang kamay sa ibabaw ng ulo ko at malambing niyang ginulo ang buhok ko gaya ng nakagawian niya mula pa noong mga bata pa kami.
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...
