CHAPTER 21

14.2K 567 67
                                        

Matapos ang araw na iyon na kaming dalawa lang ni Clint ang magkasama sa isang araw ay mas lalong gumaan at napalapit ang loob ko sa kanya. He earned my trust. Hindi niya ako iniwan at pinabayaan doon sa mga babae nagkakandarapa sa kanya at gusto akong saktan. Linayo niya ako sa kanila, he didn't let them hurt me.

Umalis kami noon sa school. Dinala niya ako sa isang mall at doon kami tumambay maghapon. Linibre niya ako sa mga mamahaling kainan at nanood pa kami ng sine para daw siya makabawi sa akin. Syempre, hanggang sa mall ay agaw atensyon pa rin kami roon, gwapo yung kasama ko eh.

Clint may be a playboy but he is a good guy.

Nasa labas na ako ngayon ng school. Kanina ay napadaan ako sa isang bakeshop para bumili ng maliit na cake. Wala namang handaan sa amin, gusto ko lang kumain ng cake ngayon. Pagsasaluhan namin ito nila mama at Ate Leian mamaya.

Nakatayo lang ako sa gilid ng kalsada para maghintay ng masasakyan. Hindi ko kasama ang boys dahil may importante raw silang pag-uusapan ng gang nila. Gaya ng dati, hindi ako pinasama ni Aki kaya heto ako ngayon, mag-isa lang. Ayaw ko rin na kasing magpahatid pauwi kahit nag-iinsist silang ihatid ako, baka maging dependent na ako masyado sa kanilang lima. Masyado na nila akong iniispoil eh.

Kasalukuyan kong tinetext si Ate Leian para sabihin sa kanya na pauwi na ako nang may biglang sumigaw na babae.

"Help! Come back here you thief!"

Napatingin ako sa kanto. May babae roong hinahabol ang isang lalakeng may dalang pink na purse at tumatakbo papunta sa direksiyon ko. Hirap na tumatakbo ang babae at nakita kong natapilok pa siya dahil may takong ang suot niyang sapatos.

Napaayos ako ng salamin ko.

"Bakit imbes na maghanap ng marangal na trabaho ay pagnanakaw ang gusto niyang pagkakitaan?" tanong ko sa sarili ko. Alam kong may rason sa likod ng maling ginagawa nila pero hindi naman iyon sapat na excuse para makaperwisyo sa kapwa.

Inabangan ko ang snatcher na makalapit sa akin, nang nasa gawi ko na siya ay agad kong binalanra sa daan ang paa ko upang mapatid siya. Sa isang iglap lang nakita ko ng nakasubsob ang mukha ni kuya snatcher sa sahig.

"Aray!" singhal niya. Agad ko namang pinulot ang pink na purse na kanyang nabitawan.

"Mali po itong ginagawa niyo kuya," sabi ko.

Nang mapatingin siya sa akin ay namilog ang kanyang mga mata. Bakas sa mukha niya ang kaba. Napatingin siya sa hawak kong purse, sunod naman ay napatingin siya sa kanyang nanginginig na kamay na para bang nagulat at hindi siya makapaniwala sa nagawa niya. Malalim ang paghinga niya at natataranta siya na parang hindi niya alam ang kanyang gagawin.

"H-hindi ko s-sinasadya," natataranta sabi ng lalake.

Napabuntong-hininga ako. Base sa kinikilos at itsura ni kuya, mukhang hindi naman niya talaga gawaing mag-snatch, napilitan lang ata siyang gawin ito dala ng kahirapan.

"K-kailangan ko kasi ng p-pera para sa b-birthday ng anak k-ko," aniya.

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Parang nanlambot ang puso ko sa sandaling iyon. Napatingin ako sa maliit na box ng cake na hawak ko. Isa pala siya ama, ama na gagawin ang lahat kahit ang pagpasok sa butas ng karayom para lang sa kanyang anak.

I sighed. Hindi na ako nag-alinlangang iabot ang cake kay kuya. Nagtaka siya sa ginawa ko subalit nginitian ko lang siya. Sana may ganyan din akong ama.

"Para po sa anak niyo. Pakisabi na lang po happy birthday," ngiti ko. Pinahawak ko na sa kanya ang box ng cake ko, "Wag niyo na po sanang ulitin ang ginawa niyo."

Napakurap-kurap ang lalake. Tumayo siya tyaka ako hinarap. Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi sabay tanggal ng kanyang bonnet. Tumango siya sa akin.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon