CHAPTER 29: PART 2

12.5K 498 167
                                    

"Kaya ko namang kumain mag-isa eh," nguso ko pero hindi ako pinansin ni Ashton at nagpatuloy lang siya sa pagsubo sa akin.

Kanina niya pa ako sinusubuan. Kesyo I should eat daw kasi ang payat ko, wag daw akong maarte kasi di bagay sa akin, tigilan ko raw ang kangunguso kasi nagmumukha lang daw akong bibe. Haist. Nahiya naman ako kasi ang gwapo-gwapo niya! Tss, Abo.

"Anong tawag pala dito? Ang sarap eh," puri ko.

"It's called Vichyssoise."

"Huh?"

Nagtagpo ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ba pwedeng sopas na lang ang itawag dito?

"Just eat," utos niya. Sinubuan na naman niya ako.

"Sino ang nagluto? Ang sarap ha," takam na takam kong sabi.

"Thanks," sagot niya.

Nahuli ko pa siyang napangiti.

"Ikaw ang nagluto?!" halos pasigaw ko ng tanong. Tinanguan niya lang ako.

"Wehhh?? Di nga Abo?"

"Yeah."

"Mamatay ka man?"

Sinamaan na niya ako ng tingin na nagkapagpaurong ng dila ko. Hehe. Sabi ko nga siya ang nagluto.

"You need to eat para naman hindi ka bigla-bigla na lang nahihimatay," aniya. Kanina niya pa ako pinapangaralan, tatay ko ba siya? Tyaka ang bait niya ngayon ah?


May sapi ba 'tong Abo na 'to?


"I'm not possessed," sabi niya.

Napatakip naman agad ako ng bibig. Masyado bang napalakas ang pagkakasabi ko nun sa isip ko?

"Telepathy has nothing to do with it. Your expression says everything."

"Umm, Abo," tawag ko.

"Yes, Halo-halo?" he grinned.


*cough*


*cough*


*cough*


"Halo-halo?" my eyes furrowed.

Anak ng pusang gala, nabulunan ako roon! Buti na lang agad akong inabutan ng tubig ni Ashton.

"Yeah, simula ngayon ikaw na si Halo-halo."

"Paanong ako na si Halo-halo? Ang lakas mong makaimbento Abo ha," nagtagpo ang kilay ko.

"Halo-halo, as in Mix. Eh panget naman kung halo lang," he chuckled.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Aba itong Abo na 'to, kung ano-ano na lang ang naiisip.

"It's not fair na ikaw lang ang tatawag sa akin ng kung ano-anong pangalan," dagdag niya.

"Abo naman eh!" pinaningkitan ko siya ng mata.

"Tch. Ang cute kaya ng Halo-halo," he murmured, "Parang ikaw."

"Ha? An anong sinabi mo?"

May kung anong sinabi si Ashton na hindi ko narinig dahil sa hina ng boses niya. Ganyan siya eh, magsasalita nang siya lang ang nakakarinig o di kaya magsasalita ng kung ano-anong linggwaheng siya lang din ang nakakaintindi. Tsk. Tsk. Tsk. Minsan tuloy naiisip kong dalhin na siya sa mental.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon