CHAPTER 20

14.5K 555 128
                                    

Guess what? Dahil ginabi ako ng uwi, minisahan ako ni mama. Ibang klase si mama eh, nagiging rapper kapag nagagalit. Nag-alala kasi siya sa akin lalo na nang malaman niyang hindi kami magkasama ni Aki. Akala niya may nangyari na sa aking masama. Kasalanan ko rin naman kasi, hindi ako napaalam sa kay mama kung nasaan ako, kaya nagsorry na lang ako sa kanya kagabi.

"Tara na Mixhee!" nagmamadaling tawag ni Ate Leian.

Napabuntong-hininga ako. Tara na raw eh andyan pa rin siya sa harap ng salamin. Mag-iisang oras na nga ata si ate diyan. Ilang beses ba siyang magpapabalik-balik diyan? Kanina pa ako ready, nangangalay na nga ako sa kahihintay rito eh.

"Ate sobrang ganda mo na. Tama na yan, baka mahiya na si Liza Soberano sa ganda mo kapag masobrahan," napaayos ako ng salamin ko. Ako nga, tamang suklay lang ng buhok ko tapos na. Wala rin naman kasi ata akong igaganda kahit na mag-ayos ako samantalang si Ate Leian kahit di na mag-ayos ang ganda pa rin.

"Oo na," sabi ni Ate Leian habang inaayos ang hair clip sa kanyang buhok.

"Anong oo? Tara na ate, kanina pa naghihintay sa labas sila Kuya Iggy," naiinip kong sabi.

Hinila ko na si Ate Leian palayo sa salamin. Kapag malate ako, baka basagin ko na ang lahat ng salamin sa bahay namin. Ayoko pa namang nalelate ako. Baka kasi may surprise quiz o recitation kaya mas mabuti ng pumasok ng maaga.

"Teka!!" pagpipigil ni ate kaya napahinto kami sa paglalakad, "Bagay ba 'tong hair clip sa akin?"

Napakamot na ako sa aking ulo.

"Ate, kahit parol pa ang ilagay mo diyan sa ulo mo maganda ka. Tara na! Baka mainip na sila Kuya Iggy at iwan tuloy tayo."

Nagpaalam na kami ni ate kay mama at dali-daling lumabas ng bahay. Bumungad sa amin ang kotse ni Kuya Iggy at sumakay na roon. Sa passenger's seat pumwesto si ate habang sa backseat naman ako.

Whew, sa wakas, makakapunta na rin kami sa school! Akala ko bukas pa kami makakaalis eh.

"Ang tagal niyo naman. Tumuyo na nga lang itong buhok ko kahihintay eh," reklamo ni Kuya Iggy.

"Si Ate Leian kasi, ayaw humiwalay sa salamin," sabi ko.

"Nag-ayos lang eh," depensa niya habang nananalamin pa rin sa kanyang compact powder.

Napatingin si Kuya Iggy kay Ate Leian na nag-aayos pa rin ng kanyang buhok. Nang mapatingin din sa kanya si ate ay natigilan at natulala siya. Gumuhit ang mapanudyong ngiti sa aking labi nang makita kong napaawang ang bibig ni Kuya Iggy.

"Anong tinitingin-tingin mo sa aking unggoy ka?" pagtataray ni Ate Leian.

Namilog ang mga mata ni Kuya Iggy at agad na nag-iwas siya ng tingin. Napahawak na siya ng mahigpit sa kanyang manibela at pinaandar ang kotse.

"Pffft! Nag-ayos ka na niyan? Para kang espasol Leian. Nanalamin ka ba talaga?" ngisi niya, "Ang panget mo pa rin."

Agad namang nagpait ang timpla ng mukha ni Ate Leian sabay hampas sa braso ni Kuya Iggy.

"Hoy unggoy! Sadyang mestisa lang talaga ako! Ikaw nga feeling gangster ka diyan sa hikaw mo! Eh mukha ka namang adik!" bulyaw ni ate.

Eto na naman sila, hindi talaga mawawala ang eksenang pag-aasaran nila sa tuwing magkakalapit silang dalawa. Naku, mag-aasaran tapos maya-maya ay magkakapikunan.

"Good morning panget," Kuya Iggy chuckled.

"Bwiset kang unggoy ka," irap ni ate, "Panira ng araw."

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon