CHAPTER 3

18.3K 723 170
                                    

Hinatid ako ni Collosus pauwi lulan ng kotse niya. Rich kid nga naman so expected na yun. Sinabi ko na sa kanyang kaya kong umuwi mag-isa eh pero mapilit siya kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag sa offer niya na ihatid ako pauwi. Pinagtitinginan nga kami kanina ng mga estudyante. Anak ng pusang gala! Ang sasama ng tingin nila sa akin! Haist. Ayoko pa namang maissue.

Huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Tatanggalin ko na sana yung seatbelt nang magsalita siya.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Collosus na ikinasingkit ng mga mata ko. Ano ang problema niya sa mukha ko?

"Tss! Oo, alam kong hindi ako kagandahan, okay. Nerd ako eh, manang pa ang datingan. Di mo na yun kailangang ipoint out dahil alam na alam ko yun sa sarili ko," pagtataray ko habang pinag-ekis ang mga braso ko.

"Pfft! Anong pinagsasasabi mo? Chill, calm down. Mali ka ng iniisip," pagpipigil niya sa tawa.

"Eh ano bang meron sa mukha ko? Pimple ko? Nabobother ka sa pimple ko? Excuse me proud ako sa pimple ko dahil pinagpuyatan ko 'to para lang maperfect ko ang mga quizzes ko. Tyaka hindi ka inaano diyan ng pimple ko kaya---

"Hahaha! What are you saying? Ang ibig kong sabihin, bakit kanina ka pa nakabusangot? Anong pimple? Ang dami mong sinabi. Hahaha!" tawa niya.

Natigilan ako nang humagalpak sa tawa si Collosus. Napapahampas pa siya sa manibela.

"G-ganun ba? Bakit di mo agad sinabi?" nahihiya kong tugon.

"Bakit nagreact ka agad?"

"Tsssss," nguso ko. Masaya siyang napapahiya ako eh noh.

"Alam mo ba? Ang daming girls ang gustong maupo diyan sa kinauupuan mo samantalang ikaw halatang labag sa kalooban mo ang pagsama sa akin. Kung sila ang kasama ko ngayon baka nahimatay na sila sa kilig."

"Una, hindi ako katulad ng mga girls na sinasabi mo. Ibahin mo ako sa kanila," sabi ko, "Pangalawa, talagang labag sa kalooban ko ito kasi nga pinilit mo lang ako. Hindi mo ba nakita yung mga tingin sa akin ng mga babaeng patay na patay sa'yo? Obviously, gusto nila akong balatan ng buhay kanina na parang saging!"

Nagkaraoon ng panandaliang katahimikan sa loob ng kotse. Nakatingin lang sa akin si Collosus. Hindi ko man lang mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Maya-maya ay may gumuhit na pilyong ngiti sa kanyang labi.

"Ano yang ngiti mo?" nag-iwas ako ng tingin, "Para 'tong baliw."

"Hahahaha. Nawiwili kasi ako sa'yo. Good thing binest friend kita," he laughed.

"Sino ba ang nagsabi na magbest friends tayo?" hinarap ko siya at pinaningkitan ng mata.

"Ako."

"Pumayag ba ako?"

"I don't take no as an answer."

"Ang lakas pala ng topak mo. Ako pa talaga nakita mo ha. May mga kaibigan ka naman di ba? Yung apat pang parang mga naglalakad na krayola. Sila na lang pagtripan mo. Wag ako."

"Hindi kita pinagtritripan. Kinaibigan kita kasi gusto ko," ngiti niya.

Tinignan ko siya ng mata sa mata. Mukhang totoo naman ang sinasabi niyang di niya ako pinagtritripan. Wala naman siguro siyang masamang intensyon.

"Fine. Wag ka lang masyadong feeling close," sabi ko, "Bababa na ako---

"Wait!!!"

Bigla siyang bumaba sa kotse. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mapunta siya sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon