Hawak-hawak pa rin ni Aki ang kamay ko. Sinubukan kong magpumiglas kanina pero ayaw niya pa rin akong bitawan. Ilang beses na rin akong nagtanong kung saan kami pupunta pero di niya ako sinasagot. Ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalakeng ito ngayon?
"OMG! Stacey look!" sabi ni Tiffany, "Si Aki yun di ba?"
Agaw pansin kami ni Aki ngayon. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin sa hallway at kanya-kanya na rin silang bulungan. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. Their prince charming with their most hated nerd in campus doesn't obviously please them.
"Kasama niya si nerd Stacey!" turo naman sa akin ni Steffanie.
"What?! Seriously?!" Stacey shrieked. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya just to make sure kung totoo ba talaga ang nakikita niya. Unfortunately, hindi siya namamalikmata, "That nerd! Holding my Ishuaquin?! How dare her?!"
Halos batuhin ako ng sapatos ni Stacey sa inis nang madaanan namin silang tatlo. Feeling ko linilibing na niya ako ng buhay sa isip niya. Nag-iwas na lamang ako ng tingin para di magtama ang mga mata naming dalawa. For her information si Aki ang humahawak sa kamay ko. Kanina ko pa nga gustong kumawala dahil sobrang nahihiya na ako sa dami ng atensyon na nakukuha namin at pinag-iinitan na ako ng mga nakakakita sa amin.
"Aki magbebell na. Malelate tayo nito sa next subject natin," sabi ko subalit hindi niya na naman ako pinansin.
Lakad lang kami ng lakad hanggang sa tumigil kami sa isang pinto. Pumasok kami roon at tumambad sa akin ang view ng buong school ground. I looked around and realized na nasa rooftop pala kami. I felt the wind blew on my face. Bakit dito niya ako dinala?
Masyado akong nawili sa view na nakikita ko. Muntik ko ng makalimutan na kasama ko pala si Aki kung hindi ko lang naramdaman ang pagbitaw niya sa kamay ko. Hindi ko napansing kanina pa pala niya ako tinitignan. Napatingin ako sa relo ko, limang minuto na lang bago matapos ang break time namin. I cleared my throat at hinarap ko na si Aki.
"Ano ang pag-uusapan natin?" kalmado kong tanong.
Naghintay ako ng isasagot niya subalit hindi siya nagsalita, tinitignan niya lang ako. Napabuntong-hininga na lamang ako. Pinagtritripan lang ata ako ng isang 'to eh. Para akong baliw na salita ng salita, wala naman akong kausap.
"Alam mo? Hindi kita maintindihan Aki. Sabi mo sa akin kanina 'let's talk' kaya sumama ako sa'yo sa kung saan mo man ako dadalhin, tapos ngayong andito na tayo wala kang imik. Kung pinagtritripan mo lang ako, babalik na lang ako sa room. Sinasayang mo ang oras ko---
"Gusto kong umalis ka sa Section ANGAS," walang kaemoemosyong sabi ni Aki.
"Ano?" napakunot ang noo ko.
"Umalis ka sa Section ANGAS."
Parang nabingi ako sa sinabi niya. Gusto kong lumipad itong kamao ko sa mukha niya. Hinila-hila niya ako dito sa pagkataas-taas na rooftop na ito para lang sabihin iyon?
"Linoloko mo ba ako?" my eyes furrowed.
"Sa tingin mo ba nakikipaglokohan ako sa'yo?" lumapit ng isang hakbang si Aki sa akin habang nakapamulsa siya. Napatingala ako sa kanya dahil sa taas niya. Mariin lang siyang nakatingin sa akin like he is trying to intimidate me.
"Hindi. Ayokong bumagsak ang grade ko kaya hindi ako aalis sa Section ANGAS," mariin kong sabi.
"You're stubborn."
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...