Hindi matago-tago ni Bella ang kilig na nararamdaman niya. Pulang-pula pa ang kanyang mga pisngi nang mabanggit niya yung 'someone'. Mukhang lalake ang tinutukoy niya at hindi lang basta isang lalake . . . isang espesyal na lalake. Pati tuloy ako ay napangiti, her smile is contagious.
"Ayiie, sino yang someone na yan?" mapanudyo kong tanong.
"OMG, secret lang muna," bungisngis ni Bella. Tinakpan pa niya ang kanyang magkabilang pisngi na halos mangamatis na sa pula.
"Malalaman ko rin naman yan eh," I chuckled.
"Oo naman! I'll tell you but not now. Makikilala mo rin siya," aniya, "Remember noong una tayong magkita sa harap ng school?
I nodded.
"That time, I sneaked out from my body guards para lang ako makasilip sa school niyo. Nabalitaan ko kasing dito siya nag-aaral. Gusto ko siyang makita that day, unfortunately I didn't."
"Boyfriend mo?" tanong ko matapos kong maubos ang ice cream na nilalantakan ko kanina lang.
Napabuntong-hininga si Bella at natigilan sandali na parang may iniisip siya.
"Sana," she smiled weakly.
"Sana?" kunot noo kong tanong.
"Yup. He's my childhood crush. I really like that guy until now," she sighed, "And I hope he likes me too."
"Naku, wag kang mag-alala Bella 100% sure akong gusto o magugustuhan ka rin ng someone na 'yan. Maganda ka, kabahan ka na lang kapag mukha kong ito ang itsura mo," I laughed pero natahimik lang si Bella. Bigla na lang nabura ang ngiti niya. Natahimik din tuloy ako. May nasabi ba akong mali?
"Bakit?" tanong ni Bella, "Anong problema sa mukha mo?"
"Hindi ako maganda," pilit akong napangiti para takpan ang mapait na katotohanan.
Nagtagpo ang dalawang kilay ni Bella at napahalukipkip siya. Tinitigan niya ang mukha ko kaya napatungo na lamang ako dahil sa hiya.
"Saan banda?"
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay parang nalulungkot sa pinagsasabi ko. Nanatili naman akong tahimik dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"At sino ang nagsabing hindi ka maganda?" tanong ulit niya habang nakataas ang kanyang isang kilay.
"Hehe, baka abutin tayo ng bagong taon kapag inisa-isa ko pa," awkward akong napatawa, "Panget na nerd ang laging pinapaalala sa akin ng mga schoolmates natin."
"Naniwala ka naman?" napasimangot si Bella at napabuntong-hininga. Tinabi niya ang kanyang ice cream at tinignan ako ng mabuti, "Look Mixhee, wala akong nakikitang panget na nerd sa harap ko."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Bella. Seryoso ba siya?
"Maganda ka naman ah, kaya ewan ko ba kung bakit naniniwala ka sa mga sinasabi ng iba," aniya.
Natulala na lang ako sa kanya. Totoo ba ang mga naririnig ko? Parang hindi maproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ako sanay na nakakarinig ako ng ganito sa ibang tao. Hindi ako sanay na tinatawag akong maganda.
"Ako? Maganda?" turo ko sa sarili ko, "Ang weird naman pakinggan."
Mas sanay akong tinatawag na nerd o di kaya'y panget.
"Mixhee, bago nila makita ang ganda sa'yo, ikaw muna ang dapat na nakakakita nun sa sarili mo," she smiled. naramdaman ko ang pag-abot ni Bella sa kamay ko, "Maganda ka tandaan mo yan."
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...