CHAPTER 47

12.8K 427 297
                                    

Napatitig ako kay Tim. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.


"H-huh?" nagtagpo ang kilay ko. Bakit naman niya iyon sasabihin?





A knight in black shirt with a handkerchief on his forehead.





Kung sabagay, parang ganun na nga siya, he's like the modern day version of a knight. Ilang beses na siyang biglang sumusulpot sa kung saan and before I knew it ay linigtas na niya ako in a life and death situation.


Yumuko si Tim para magkalebel ang mukha namin at naging mas maloko ang kanyang ngisi.


"You know what Mixhee? Ang talino mong tao pero ang manhid mo," he chuckled as he slightly messed my hair.


Halos mag-isang linya na ang dalawang kilay ko. Hindi na ako nasanay sa pagiging feeling close nitong lalakeng ito sa akin.


"Uuwi na ako. Salamat ulit," kaswal kong sabi.


Hinawi ko ang kamay ni Tim na nakapatong sa aking ulo at linagpasan ko na siya. Hindi matutuwa sila Ashton kapag makita nila akong kausap ang kanaiinisan nilang tao.


"Mixhee!"


Napalingon ako nang tawagin ako ni Tim. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman?


"Tumingin ka sa dinadaanan mo, baka mahulog ka sa iba," he winked.


Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Namulsa siya at bigla na lang may lumapit sa kanyang dalawang pamilyar na lalakeng sa pagkakaalala ko ay kasamahan niya sa gang niya. Mukhang nakaaligid lang kanina ang dalawa. Ano ang pinagsasasabi ni Tim? Wag niya akong makindat-kindatan dahil baka mabigyan siya ni Ashton ng black eye.





"Swear, I'm going to give him black eye."





Napaigtad ako nang marinig ko ang baritono at mapagbantang boses na iyon. Nagulat na lang ako nang madatnan si Ashton sa likod ko. He is eyeing on Tim like a predator. Kanina pa ba siya sa narito?


"Ashton?" my eyes widened.


Akmang lalapitan niya si Tim, pero agad ko ring pinigilan si Ashton.


"Please, Mix. Let me go," Ashton gritted his teeth, "Just one puch on his face and I'll be satisfied."


"Hayaan mo na lang siya Abo. Ayokong may makaaway ka," saway ko, "Halatang inaasar ka lang niya, see?"


Tim wiggled his eyebrows na parang hinahamon si Ashton. Kung sumugod si Ashton ay baka hindi niya kayanin silang tatlo. Worse, ay baka may nakaaligid pang kasamahan si Tim at pagtulungan siya. I can't bare to see that! Wala pa naman sila Aki, Collosus, Clint, at Luhan para siya tulungan.


Tumigil na sa pagpupumiglas si Ashton at unti-unti na siyang kumalma, but he's still eyeing on Tim. Muli akong kinindatan ng lalakeng may panyo sa noo, kaya mas tumalim ang tingin ng tigreng hawak ko. He is really pissing Ashton.


"Tara na Abo."


Inirapan ko na lang si Tim at hinila na palayo si Ashton. Naging tahimik siya habang naglalakad kami. He's not in the mood.


Napabuntong-hininga na lamang ako at inabot ko ang kamay niya. Pinagsiklop ko ang mga kamay namin. He looked at me surprisingly, but I just smiled at him.


"Ngumiti ka naman," bulong ko.


Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Ashton at humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Bahagya siyang napangiti.


Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon