Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko ngayon at si Ashton lang ang makakatulong sa akin para masagot ang lahat ng iyon.
Ano ba talaga kami ni Ashton?
Ano ba talaga ako sa kanya?
Ano ba itong nararamdaman namin para sa isa't-isa?
"Mix?"
Naagaw ang atensyon ko nang bigla akong tapikin ni Collosus sa balikat. Nahuli ko siyang nakabusangot. Paano ba naman kasi, kanina pa niya ako kinakausap pero hindi ko magawang makinig nang maayos dahil binabagabag ako ng mga tanong sa isip ko.
"Ano ulit yun Collosus?"
"Hindi ka naman nakikinig Mix eh," he pouted.
"Sorry."
Napatungo na lamang ako at napabuntong-hininga. I'm so confused and bothered. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Ang sabi ng teacher ko sa Science, brain is the most complicated organ in the body, pero bakit parang mas komplikado ang puso? Napakahirap intindihin!
"Ang sabi ko, sa isang araw na ang opening ng Interschool. Kinakabahan ako para sa basketball team," napasandal si Collosus sa kanyang kinauupuan. He seemed anxious. For sure napre-pressure siya dahil inaasahan ng lahat na school na naman namin ang magcha-champion sa basketball this year.
"Wag kang kabahan, magagaling kaya kayo! Yung mga kalaban niyo ang dapat kabahan sa inyo," I tried to cheer him up. Napatingin si Collosus sa akin at bahagyang napangiti.
"Ikaw Mix, hindi ka ba kinakabahan?"
Bakit naman ako kakabahan? Bilang muse ng basketball team, hahawak lang naman ata ako ng banner habang naglalakad-lakad kaya hindi naman dapat ako kabahan di ba?
"Hindi," iling ko.
"Kung sabagay, bukod sa maganda ka na matalino ka pa," puri ni Collosus.
I just rolled my eyes. Okay ako sa matalino, I'm claiming it, pero yung maganda? I'm not sure about it. Nagmukhang tao lang naman ako mula noong inayusan ako ni miss principal para paghandaan itong pagiging muse ko, which is my performance task.
"For sure Mix, sisiw lang sa'yo ang question and answer portion."
Natigilan ako sa pag-inom ng Chuckie dahil sa sinabi ni Collosus. Para bang literal na tumigil ang mundo ko.
"Question and answer portion?" nagtagpo ang kilay ko.
"Oo, may question and answer portion sa sasalihan mong Miss Interschool."
Sasalihan mong Miss Interschool
Sasalihan mong Miss Interschool
Sasalihan mong Miss Interschool
Para bang nag-slow motion ang mga sinabi ni Collosus. Namilog ang mga mata ko at napabalikwas ako sa kinauupuan ko. Napahawak ako sa kwelyo ng uniform niya nang wala sa oras.
"Sasalihan kong Miss Interschool?!" I exclaimed.
Napakurap-kurap na lamang sa gulat si Collosus dahil sa inakto ko. Para siyang tarsier na tumango-tango sa akin.
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...