CHAPTER 12

16.1K 680 105
                                    

*RINGGGGG*

Naalimpungatan ako sa ingay na nagmula sa alarm clock. Unti-unti akong napamulat hanggang sa bumungad sa akin ang nakakasilaw na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Babalik na lang sana ako sa tulog nang maalala kong may pasok pala ako ngayon. Haist. Parang hindi pa naman maganda ang pakiramdam ko ngayon, parang ang bigat ng dibdib ko na ewan.

Napilitan na lamang akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkaharap ko sa salamin para magsipilyo, natigilan ako bigla nang makita kong namumugto ang mga mata ko.

"Umiyak ba ako?" nagtataka kong tanong sa sarili ko. Parang pinagpyestahan ng mga ipis ang mga mata ko! Napakunot noo ako habang inaalala kung umiyak nga ba ako kagabi at kung oo ay bakit naman. Hmmm? Ano nga ba ang nangyari----

"I hate you *sob*."

"Wahhh!" napatili ako at namilog ang namumugto kong mga mata nang magflash sa isip ko ang pagsampal ko kay Aki kagabi habang umiiyak ako.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.

"Mixhee naman! Anong kadramahan yun?!" tanong ko sa sarili ko. Oo, kahihiyan yun! Bakit ba kasi ako umiyak kagabi? Nakakahiya! Ang drama ko! Baka kung ano ang isipin nila Aki tungkol sa akin! Kung wala lang quiz ngayong araw sa school, hindi ako papasok dahil wala talaga akong mukhang maihaharap sa boys.

Pero teka, sa pagkakaalala ko nasa penthouse kami noon ng boys kagabi at hindi kami nakauwi dahil sa lakas ng ulan, naglaro pa nga kami ng truth or dare doon. Wala naman akong naaalalang umuwi ako, so bakit nagising ako ngayon sa kwarto ko? Sa pagkakaalam ko, I passed out dahil sa pagod at pag-iyak. Nagsleep walk ba ako hanggang sa madala na lang ako ng mga sarili kong paa sa kama ko?

I tried to remember every detail that happened last night but everything was a blur. Hindi kaya panaginip lang ang mga nangyari lahat? Haist, imposible, pero sana panaginip na lang talaga! Ang drama ko kasi eh, nakakahiya!

Pinilit ko na lang ang sarili kong wag isipin ang nakakahiyang kadramahan kong iyon. Kunwari na lang walang nagyari kagabi. Ginawa ko na ang routine ko para sa pagpasok ko sa school, pagkatapos ay bumaba na ako sa dining area para makapag agahan kung saan naroon na sila mama at Ate Leian.

"Good morning nak. Kain na," bati ni mama.

"Good morning po mama," halik ko sa kanyang pisngi, "Good morning ate."

"Good morning," bati rin ni Ate Leian pero mayroon sa tono ng pananalita niya na kakaiba.

Pinaniningkitan ako ni ate ng mata habang binibigyan niya ako ng ngiting makahulugan. Napakunot ang noo ko sa kanya, bakit ganyan siya makatingin at makangiti sa akin?

"Bakit ate?" tanong ko.

"Wala," mas lalong lumapad ang ngiti sa kanyang labi na parang isang Cheshire cat. Sus, yang ganyang ngitian ni ate, alam kong meron.

Hindi ko na lang siya pinansin kahit curious na talaga ako sa kung ako ang nasa likod ng ngiti niya.Pagkatapos kong magdasal ay nagsimula na akong kumain, subalit habang ngumunguya ako ay di ko maiwasang maalibadbaran kay Ate Leian. Kanina pa niya kasi ako tinitignan na parang pinagsesespetsuhan niya ako na ewan.

"Ano ba talaga ang meron ate?" I asked when I caught Ate Leian eyeing on me, "Wag mong sabihing wala dahil halata namang meron---

"Kelan mo pa naging boyfriend si Collosus?"

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon