CHAPTER 4

35.4K 911 23
                                    

1 MONTH has passed!
sa loob ng isang buwang pagtatrabaho bilang isang magiting na tagapag ligtas ng isang certified womanizer ay masasabi kong napaka hirap.

Dinaig ko pa ang nag-babantay ng paslit na bata pero ang kabaligtaran, isang bakulaw na lalake ang binabantayan ko.

Hindi ko parin talaga lubos maisip na ang taong dapat sana ay iniiwasan ko ay magiging amo ko pa. At ang masahol pa dun halos araw-araw ko na nakikita ang gwapo niyang mukha.

Kahit gaano pa siya kagwapo, hinding-hindi titibok ang puso ko sa kanya dahil ang mga uri niyang lalake ang pinaka ayaw ko sa lahat.

Sa isang linggo lagi siyang may kasamang babae na pinararausan niya. Thankful parin ako kasi sa loob ng isang buwan ay medyo nagkulang na ang mga taong gustong patayin si Dylan.

Napaka careless niyang tao kaya madali siyang malusutan ng mga tumatarget sa kanya at ako naman itong napudpod na sa kakaisip ng paraan para maisalba ang buhay niya.

He is an absolutely asshole!

"How's the job being an agent or bodyguard of that  celebrity?!"Untag sa akin ni Cullen kasabay nun ang pag upo niya sa tabi ko.

Napabuntong hininga ako."Not that easy! he is a fucking dumb. Gustong-gusto ko siyang ipasok sa bulsa kong may zipper ng saganon di na siya makawala...bwiset siya."Sagot ko.

"Want me to burry him alive?!"Biro niya.

"No need! ako na ang gagawa non kapag nasobrahan na ako."Sansala ko.

He chuckled."Sabi mo e."Tumungga siya ng beer."Anyway, take care. I heard the rumors about him. Kaya maraming gustong pumatay sa kanya ay dahil sa mga babaeng niloko lang niya matapos nitong angkinin. Nalaman ko pa na may isang malaki at mapanganib na pamilya ang naloko din niyang amo mo, they could kill you kapag di ka nag-ingat."Mahabang litanya niya.

Napaisip ako sa mga sinabi nya. Alam kong may hindi tama, kapag tinatanong ko naman si Dylan kung ano ba talaga ang ginawa niya sa mga flings nya at bakit siya nito gustong patayin umiiwas siya.

He don't wanna talk about it kahit pa anong pilit ko. He just remaining silence.

Sa mga nakakalaban ko ay napag alaman ko rin na hindi sila pangkaraniwang grupo lamang. Sigurado akong malaki ang koneksyon nila sa mga malalaking mafia or gangster sa bansa.

Nalaman ko rin na isang heir si Kiero Monterelaos, siya ang ang susunod na uupo sa posisyon ng kanyang amang si Kevin Monterelaos.

Ang lalakeng pinaka makapangyarihan sa mundo ng Mafia at Gangster pero ganon pa man may mga mas masahol pang leader gang sa bansa na tinatago ang tunay na katauhan.

Kinausap pa ako ni Blake nung isang araw na kung kelangan ko daw ng tulong magsabi lang ako sa kanya, lagi rin daw nasa likod ko ang mga mata ni Kiero.

Syempre buhay ng pinsan nila ang nakasalalay dito kaya over protective din sila.

"It's fine! i can handle them by myself...thank you for your kindly warning."Saad ko.

"Inaalala ko lang ang kaligtasan mo. But knowing you, i know na hindi mo sila uurungan. Mas mabagsik ka pa nga sa kanila e."He says.

Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ko.Pabiro ko siyang sinuntok sa matigas nitong balikat.

"Oh nandito na pala kayo, pasensya na may kausap lang ako kanina sa kabilang linya."Sabay kaming napatingala kay chief Barado na kararating lang.

"Okay lang chief! so ano itong importanteng pag-uusapan natin?!"Tanong ni Cullen.

Bumuga muna ng hangin si Chief Barado bago nagsalita."Napapabalitang nawawala ang tatlong detective na naasign sa crime scene doon sa Makati. Hindi pa matukoy kung bakit bigla nalang silang nawawala, pinatawag ko kayo para sana utusan kayong puntahan ang lugar na yon. Alam kong busy kayo pero wala akong ibang malapitan kundi kayong dalawa."Mahabang suhestyon niya.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon