CHAPTER 30

30.3K 755 5
                                    

NAPAKO ang paa ko sa sahig habang nakatingala ako sa napaka ganda at napaka laking bahay na nasa harapan ko.

Dylan convinced me to move into this huge house. Ito ang sinasabi nilang Village ng Monterelaos family.

Sa magazine ko lang ito nakikita at sa tv. Hindi ko akalain na mas maganda pala ito sa realidad.

Hindi ko rin ini-expect na dito na ako titira kasama ang anak ko at si Dylan.

Ayaw ko sanang pumayag, nagtatalo pa nga kami ni Dylan dahil sa nagpupumilit siyang dito na kami tumira.

Ngunit napapayag din niya ako sa pagkat maging si Hunter ay kinukulit din ako.

Sigurado akong pinagkaisahan lang nila ako.Wala na rin akong choice, isa pa malapit lang dito ang PU at ang school ni Hunter.

"Mama! mama!"Napalingon ako kay Dylan na may malapad na ngiti sa labi.

Ako naman ay abala sa pagluluto ng aming dinner.

"Yes baby boy?! Mukang masaya ang baby boy ko ah."Ginulo ko ang buhok niya.

"Mama! My friend is coming.He told me!"Masayang anunsyo niya.

"Friend? sino?!"I asked confused.

"Si B...He called me just now on the phone. And he says he's coming to play with me."Tugon niya.

"How did he know na dito tayo nakatira?!"Nagtatakang tanong ko.

"He lives nearby! he told me."Sagot ni Hunter.

Curious tuloy ako kung kaninong anak ba ang batang si B. Ibig sabihin isa rin siyang Monterelaos? kaya pala blue eyes din ang batang yon pero sino kaya ang magulang niya?

"Kailan daw siya pupunta dito? para ng saganon makapag handa ako ng lulutuin ko."Tanong ko kay Hunter.

Umiling siya."Hindi niya sinabi!."Tumulis ang nguso niya.

"Ganon ba?...oh siya sige na maghugas kana ng kamay mo at kakain na tayo."Naglagay ako ng mga plato sa mesa.

"How about Daddy?!"Nakangusong tanong niya habang naghuhugas ng kamay at umupo sa silya pagkatapos.

"Gagabihin daw siya ng uwi, busy ang Daddy mo eh."Umupo ako sa tapat niya.

"I want to eat with him..."Nakangusong bulong niya.

Nasasanay na ang anak ko na lagi nitong kasama sa pagkain si Dylan kaya hinahanap-hanap niya.

Bago umalis si Dylan kaninang tanghali sinabi nitong gagabihin siya ng uwi dahil sa mga sunod-sunod na business nitong inaasekaso.

Simula daw kasi ng ikasal kami kuba-kuba na niya ang negosyong pinamana sa kanya na ni minsan ay hindi nito pinagtuunan ng pansin noon.

Buti nga sa kanya. Mabuti na rin yon para hindi ko siya madalas makita dito sa bahay.

Actually ito ang unang araw at gabi namin dito sa bahay.Hindi na ako nakapasok sa duty ko dahil sa ang dami kong inayos na gamit.

Tinulungan din ako ni Dylan mag-ayos pero mas lalo lang nagtagal. Paano kasi kahit hindi niya alam, ginagawa niya.

Medyo nagiging maayos na rin ang trato ko sa kanya lalong-lalo na kapag nasa harapan kami ni Hunter.

Ayokong makita ng anak ko na inaaway ko nanaman si Dylan dahil ayaw niyang makakita ng ganong eksena.

MATAPOS naming kumain pinatulog kona si Hunter saka ako nagtungo sa kwarto para maligo.

Nagbabad ako ng kalahating oras sa bathtub na nakaugalian ko na. Lumabas ako ng nakatapis lang ng maiksing twalya sa aking katawan.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon