CHAPTER 17

27.6K 760 14
                                    

I'M SLEEPY! hindi pa tumitilaok ang manok umusbong na ang sunod-sunod na tawag ng boss kong bipolar,moody at ewan.

Pabago-bago kasi ang ugali. Minsan masayahin,minsan naman bugnutin,at minsan napaka seryoso niya.

Napaangat ang tingin ko sa laki ng kanyang penthouse,huminga ako ng malalim bago ko pindutin ang doorbell.

Napaka aga pa at sobrang lamig pa. Hindi ko alam kung anong dahilan at pinapapunta niya ako sa kanyang penthouse ng ganito kaaga.

Hindi na ako nag-abalang tumawag kay Dad para kamustahin si Hunter. Alam ko tulog pa sila sa ganitong oras.

Napaigtad ako ng biglang bumukas ang maliit na pinto sa gilid ng gate. Nagtataka man  ay pumasok nalang ako.

Kakatok pa sana ako sa nakasarang pinto ngunit kusa rin iyon bumukas kaya naman i went inside right away.

Mukang pinaghandaan niya ang pagdating ko dahil sa awtomatikong pinto na kusang bumubukas.

Napalinga ako sa napaka laking loob ng bahay.May mga magkaharap na malalaking silya sa sala at may napaka gandang garden din na nasa dulo.

Mga chandelier na mamahalin, lahat naman ng gamit dito siguradong expensive.

Napanguso ako ng mapansin ang mukha nila Tom at Jerry sa bawat pader ng bahay. Huge fan nga pala itong si Dylan ni Tom & Jerry.

Just like my son...pareho sila ng hilig.

"Sit down..."Napatalon ang dibdib ko sa gulat ng may magsalita sa isang mahabang silya.

"Are you deaf? i said, sit down."!Ulit niyang saad na panay ang pag buga ng usok.

Mukang mainit yata ang ulo niya dahil sa ma awtoridad niyang sambit. Baka nakalamon ito ng amapalaya kaya mapait ang mood nita.

Tsk!...

Hindi ako nakinig sa kanya, sa halip ay nanatili akong nakatayo at hinarap siya.

"Bakit mo ako pinapunta dito ng ganito kaaga? anong meron?!"Pagkwan ay tanong ko.

Tinigala niya ako ngunit may kakaiba sa klase ng kanyang titig. Napaka seryoso niya pero gwapo parin ang hudas.

"Sigh this..."May inilapag siyang papel sa mesa na napagitnaan namin.

"Ano yan?!"Nagtataka kong tanong.

"Papel! alangan naman na basahan...bulag ka ba?"Pilosopo niyang sambit.

Aba't nanadya yata ang hudas ah? nagtatanong lang ako pero kung makasagot daig pa ang may regla sa sobrang kasungitan.

May kakaiba talaga sa lalaking ito ngayon dahil napaka rude niya magsalita.

"Para saan yan at bakit ko pipirmahan?"Tanong ko."And for information, hindi ako BINGI."Inungusan ko siya.

Kung siya mainitin ang ulo, pwes ako kanina pa kumukulo sa galit.

Iniusad niyang padaskol ang papel with black pen."Once na pirmahan mo yan,tapos na ang mission mo. You're fired!"Madiin niyang sambit.

Nanlaki ang mata ko sa kanyang tinugon."H-ha? a-anong ibig mong sabihin?"Di makapaniwalang tanong ko.

Padabog niyang itinusok sa mesa ang kanyang sigarilyo."Don't you get it? i hate repeating myself. Pirmahan mo na yan at pagkatapos ay makakaalis kana..."Muli nitong aniya.

Ano ba talagang nakain ng lalakeng ito?bakit kailangan pang humantong sa ganito? nagsasawa naba siya sa pagmumukha ko? kaya naba niyang protektahan ang sarili? hindi naba niya ako kailangan? O baka nananaginip lang ako?

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon