CHAPTER 47

23.3K 613 7
                                    

SA KAMA...

Isang babae na nakahiga sa tabi ni...

Dylan.

Nakapatong ang ulo ng babae sa braso ni Dylan. Naka patong din ang isang braso ni Dylan sa bewang ng babaeng katabi niya.

Pareho silang tulog at walang saplot sa katawan maliban sa kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nila.

What the hell?

Sino ang babaeng katabi ni Dylan?

Biglang nanubig ang aking mata. Napakuyom ako sa aking kamao dahil sa sobrang galit.

I can't believe na magagawa talaga ni Dylan sa akin ito. Harap-harapan na niya akong pinagtataksilan. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa aking natuklasan ngayong araw na'to.

Madali akong kumaripas ng takbo pababa sa hagdan. Namalayan ko nalang na napasalampak na pala ako ng upo sa pinaka dulo ng hagdan.

Nasapo ko ang aking mukha at ramdam ko ang mainit na luhang dumaloy sa pisngi ko.

Oh god! Bakit? bakit ang tanga-tanga ko? I shouldn't be here. It really hurts to the point na para na akong masusuka.

Kinalma ko ang aking sarili. Pinilit kong tumayo at humugot ng malalim na hininga.

Alam kong may araw din na darating kami sa puntong ito pero i never expect na sa ganitong paraan pa.

Ang sakit pala. Kahit alam ko ang katotohanang isang certified womanizer ang asawa ko ay inaamin kong lihim parin akong umaasa noon na magbabago rin siya.

But i was so fucking wrong. Bwiset talaga. Paasa talaga ang hudas na yon.

Kahit kailan hinding-hindi magbabago ang isang womanizer na gaya ni Dylan.

Tumayo ako ng tuwid sabay pahid sa luhang dumaloy sa pisngi ko. Humugot ako ng malalim na hininga at dali-daling nagtungo sa pinto palabas.

Nakalimutan kona ang sadya ko kung bakit ako naroon sa bahay na yon.

Mas lalong umusbong ang pagkamuhi ko sa lalakeng yon. Subalit sino ba naman ako para umasta ng ganito? Asawa lang niya ako at hindi ko hawak ang buhay niya.

Bwiset!

Papasok na sana ako sa kotse ng biglang may humablot sa braso ko. Nilingon ko ang taong may gawa non.

".Hey Abigail!"

Nandilat ang matang napatitig ako sa gwapong mukha ni John.

".John? What are you doing here?!"Nagtataka kong tanong.

Pagkwan ay binitawan niya ang braso ko at nakangiting namulsa paharap sa akin.

".Nandito ako para sa babaeng binabantayan ko."Kampante niyang tugon.

".Ganon ba? E bakit dito sa Village Monterelaos? Sino pala yang babaeng binabatayan mo anyway?. Curious lang talaga ako."Sinara ko ang pinto ng kotse pagkwan.

Mataman siyang nakatitig sa harapang ng bahay na nilabasan ko kanina. At doon na ako mas lalong naguluhan.

".Dito ko siya nakitang nagtingo e, 10 minutes ago. At dyan mismo sa bahay na yan siya pumasok."

".A-ano kamo?!"Nanlaki ang mata ko.

".Karylle Buensina! Siya ang babaeng pinap
babantayan sa akin ng boss ko."

At doon na ako nanlumo dahil sa pangalang binanggit niya.

Ibig sabihin, ang PA ni Dylan na si Karylle ang nasa loob ng bahay? siya ang babaeng katabi ni Dylan sa kama?

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon