CHAPTER 34

28.1K 717 10
                                    

"ANG LUPIT ng asawa mo, Dylan. Biruin mo yon, pinagsampal-sampal lang niya sa mukha yong mga babae kanina at ganon nalang ang pagtilapon nila sa sulok. Bilib din ako sa taste mo pagdating sa babae, naka jackpot ka Dylan."

Dinig kong usal ng isa sa mga pinsan nila Dylan na si Silver.

Nasa mahabang sofa sila nakaupo at marami pang compliments ang sinasabi si Silver pati si Brawn about what i did a hour ago.

Hindi nagsalita si Dylan bagkus ay hindi rin ito makatingin sakin ng deretcho.

Actually wala naman talaga akong balak na sundan si Skylar kanina pero parang may sariling isip ang paa ko at lihim parin akong sumunod sa kaniya.

Nagpaiwan si Viola dahil sa anak niya. Pati si Suzana ay inihatid nalang nito sa silid nila ang anak nyang si Bryne na antukin at nagkataon din na hinahanap siya ng maid nila dahil umiiyak daw ang bunso nitong anak.

Inutusan ko rin si Zandi na ihatid sa silid si Hunter para makapag bihis na ito.

I took the chance to go after Skylar at iyon nga ang naabutan ko.

Daig pa ng limang babae na yon ang porn star kung makadikit kay Dylan.

At ito namang si Dylan ay mukang nagugustuhan pa ang ginagawa sa kanya ng mga babae.

Nagliliyab ako sa galit ng harap-harapan siyang landiin ng mga babaeng yon kaya pinatikim ko lang sila ng malutong na suntok,sampal at sipa.

Hindi nila kilala kong sino ang binangga nila.Akala mo kung sinong matapang pero mga duwag naman pala.

Sumapit ang  malamig na gabi at heto kami ngayon kumakain ng dinner sa  malaking dining room nitong bahay na tutuluyan namin for tonight.

Halos lahat ng mga pinsan ni Dylan ay nandito rin.

Nakita nila lahat kung paano ko patumbahin ang apat na haliparot na yon, maliban don sa isa na tahimik lang nitong pinanood ang humandusay niyang kasamahan.

Habang kumakain kami panay ang sulyap sakin ng dalawang pinsan ni Dylan na nasa tabi niya.

Parang nang-aakit na may pagnanasa ang klase ng titig nila sakin.

I admit na gwapo sila, may nakakaakit na blue eyes but i don't like them. They're creepy!.

Pero hindi ko nalang sila pinagtuonan ng pansin.

Nakikinig nalang din ako sa kwentuhan at tawanan nila Suzana, Viola at Skylar.

Natigilan kami ng magsipag upo sa tabi nila ang kanilang mga asawa.

Lihim akong napapasulyap sa lambingan ng dalawang couple na nasa harapan ko habang nasa tabi ko naman ang couple na si Big boss at ang asawa niya.

Sabay nilang sinusubuan ang kanilang baby girl.

Si Suzana at Jake naman ay nakikipag kulitan naman sa isa nilang anak na blonde ang buhok. Habang ang isa ay tahimik lang na kumakain.

Nasa kandungan ni Jake ang bunso nilang anak na lalake na nagnga-ngalang Nadec.

Kinakausap naman ni Jaden ang bilog na tyan ni Skylar, idinampi nito ang tainga sa tyan ni Skylar at sabay halik nito na para bang iyon na ang pinaka mahalagang bagay sa buhay niya.

Lihim akong napapangiti and at the same time nakaramdam ako ng ingget.

Kung sana nung pinagbubuntis ko pa si Hunter ay kasama ko rin ang lalakeng ama ng anak ko baka ganito rin siya ka sweet.

"We're done eating...mauna na kami sa inyo. Inaantok na kasi ang baby girl namin!"Napalingon ako sa couple na sila big boss Blake at Viola.

Kinarga ni big boss ang anak nyang humihikab. Nakakwit naman sa braso nito ang asawang si Viola.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon