NAGISING ako dahil sa ingay na naririnig ko galing sa labas. Napahawak ako sa aking ulo ng bigla itong sumakit.
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa ginawa ni Dylan. Hindi maalis sa utak ko kung paano ako yumakap sa kanya don sa tabi ng ilog at ang kabastusang ginawa niya sakin.
Sinipat ko ang kabuuan ng maliit na silid, malinis at tanging ang hinigaan ko nalang ang magulo. Dinukot ko mula sa ilalim ng unan ang aking bra saka sinuot.
Lumabas ako at ang nakakasilaw na sinag ng araw ang sumalubong sa akin.
"Gising kana pala anak..."Salubong agad sa akin ni lola Maymay na kampanteng nakaupo sa kanyang pwesto.
"Magandang umaga po, lola maymay..."Bati ko sa kanya.
"Magandang umaga din anak! teka nga muna, marunong kaba magluto?!"Pagkwan ay tanong niya.
Tumango ako."Opo!"
"Aba edi mabuti! punta ka sa kusina at magluto ka ng agahan natin. Siguradong gutom na ang mga kasama mo."Saad nito na di man lang ako tinapunan ng tingin.
"Sige po!"Saad ko.
Nagpunta ako sa kusina, kumpleto naman sila sa gamit at meron ding gas stove pero di gumagana. Sinipat ko ang isa pang nilulutuan gamit ang kahoy pero wala ring kahoy.
Takte naman oh!...kumpleto nga sa mga lutuin pero walang pang lutuan.
Lumabas ako mula sa isang maliit na pinto sa kusina at kamuntikan pa akong matisod ng mapako ang mata ko sa likod ng dalawang lalake na nagsisibak ng kahoy.
Pawisan silang dalawa at mukang nag-eenjoy pa sila sa kanilang ginagawa.
Lalapit na sana ako ng mapapreno ako. Nakita ko kung paano lambingin ni Felia si Dylan na pawisan. Pinunasan nito ang pawis na gumapang sa dibdib ni Dylan.
Nagugustuhan naman ng gago ang ginagawa ni Felia. Bwiset, bakit ba ako naiinis?
"Good Morning, your highness!."Malapad na ngiting bati sa akin ni Clifford ng mapansin niya ako.
Padabog akong lumapit sa gawi nila.Napalingon sa akin ang dalawang naglalambingan.
"Tabi..."Saad ko ng walang pasintabing dumaan ako sa gitna nilang dalawa dahilan para mapahiwalay sila.
Kumuha ako ng kahoy at padaskol kong ibinigay kay Dylan. Dinamihan ko pa hanggang sa diko na makita ang gwapong mukha niya.
"Ipasok mo yan sa kusina...dalian mo."Ma awtoridad kong utos.
Sinisilip niya ako pero nilagyan ko ng isa pang kahoy ang butas na sinisilipan niya sa akin. Halos mapaatras na siya sa bigat ng mga kahoy na tumambak sa matipuno niyang braso.
"Hey? come on! what is this?"Atungal ni Dylan.
"Don't talk."Madiin na saad ko.
"Tsk! Tsk!...you're always make my day,your highness."Sambit ni Clifford na nasa likod ko.
Binaling ko ang tingin sa babaeng nakayuko at hindi ako magawang tapunan ng tingin.
"You bitch! instead of flirting, why don't you get inside to wash the dishes?"Malamig na saad ko.
"H-heto na h-ho! papasok na..."Nauutal na saad nito saka kumaripas ng pasok sa loob.
"That was so rude of you! bakit ba lagi nalang mainit ang ulo mo pag siya ang kausap mo? ayan tuloy natatakot na siya sayo..."Singit naman ni Dylan.
BINABASA MO ANG
(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)
Aksi(R18) DYLAN MONTERELAOS (BOS-Beast Of Stars) ABIGAIL LEWIS_She's badass with a good heart,soft but strong. Unapologetic and honest, she's the type of woman you go to war beside, the type of woman you want to marry. She's bad as fuck, but in all th...