CHAPTER 3

38.4K 1K 31
                                    

I WAS about to visit my Dad sa bahay para kamustahin matapos kong makaalis ng aking maliit na bahay sa Taguig ng makatanggap ako ng tawag galing kay chief Barado.

He told me to go straight to the Phoenix Unit of Monterelaos kung saan naroon ang aming big boss.

Hinihintay daw ako nito para ipakilala ang taong magiging responsibilidad ko.Labis ang tuwang nadama ko dahil sa wakas magkaka trabaho din ako ng may katinuan.

This is my dreams at malapit na akong maging official agent once na nagawa ko ng maayos ang mission na ito.

Nakangiti akong huminto sa malaking pinto. Humugot ako ng malalim na hininga, inayos ko ang aking sarili.

"You may come in..."Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba ng marinig ang boses ng aming big boss.

Ngayon ko lang din siya makikita ng personal kaya kinakabahan ako.Dahan-dahan kong pinihit ang pinto saka humakbang papasok.

Naglaho ang ngiti sa labi ko ng makasalubong ng aking mata ang mukha ng isang napaka pamilyar na mukha.

What the heck!...anong ginagawa niya dito?

"You? ikaw nanaman?!"Bungad nito sa akin.

Nagdilim ang kanyang mukha habang pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa.

Napapasinghal siyang bumaling sa lalakeng nakatayo na rin at sa akin din nakatingin ngunit nakangiti siya.

Takte!...ang guguwapo pala ng mga blue eyes na ito sa personal at ang lalake ng kanilang perfect body.

"What is she doing here?!"Maangas na tanong nito kay Blake.

Pagkwan ay lumapit sa akin si Blake para makipag shake hands.

Damn!...ang gwapo talaga.

"Nice to meet you, Abigail Lewis. Thank you for coming and to accept my offer to you. Please have a seat..."Disenteng saad nito at iginiya niya ako paupo sa mahabang sofa.

Tinapunan ko ng lingon ang lalakeng di maipinta ang mukha sa inis.

"Kinagagalak ko rin kayong makita big boss, at salamat sa inyong magandang offer na binigay sa akin. I will do my best to grant this mission,big boss"Magalang na saad ko.

Naramdaman kong umuga ang malambot na sofa at nalingon ko ang lalakeng umupo sa tabi ko.

"Pinili kita kasi alam kong matalino ka, at alam ko kung gaano ka kagaling pagdating sa ganitong bagay...!"Naka smile na saad ni Blake.

"Thank you ng marami, big boss!...ipapakilala niyo daw sa akin ang taong magiging responsibilidad ko ngayon? nasaan ho siya?"Luminga-linga ako sa kabuuan ng silid para hagilapin kong may iba pa bang kaming kasama bukod sa aming tatlo? ngunit walang ibang tao don maliban sa aming tatlo.

"Nasa tabi mo na siya, Agent Lewis..."He says. Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya.

Dilat matang nilingon ko ang lalakeng nasa tabi ko na nagtatagis ang bagang habang sa akin nakatitig ang kanyang nakakapasong blue eyes.

Oh no!...hindi pwedeng ang lalake na ito ang tinutukoy niya?.

"You mean!...this guy beside me is my responsible?"Di kumbinsidong tanong ko.

Tumango si Blake."Tama ka! siya ang taong babantayan mo everyday, siya ang taong sasamahan mo saan man siya magpunta at siya ang taong magiging amo mo simula ngayon..."Kalmanteng sagot niya.

Napakuyom ako sa aking kamao. Naiipit ako sa dalawang choices, kapag diko sinakatuparan ang mission na ito maglalaho ang pangarap kong maging official na Agent.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon