CHAPTER 48

23.9K 632 3
                                    

[DYLAN]

".OH SHIT!"

Napapadaing ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Sinikap kong bumangon ngunit hilong-hilo parin ako. Feeling ko tuloy umiikot ang ulo ko.

Sinikap ko paring umupo sa gilid ng kama kahit wala akong lakas. Napapansin ko na madalas mangyare sa'kin ito sa tuwing gigising ako sa umaga at hindi ko alam kung bakit.

Unti-unti nang nawawala ang pagkahilo ko. Pinikit ko na lang ang aking mata habang hinihintay ang paglaho  nito.

Sa sobrang sakit ng ulo ko kanina ay umuwi na ako para makapag pahinga. Kahit lutang na lutang ang pag-iisip ko nilalaanan ko parin ng oras ang mga business ko.

At sa wakas natapos din yon lahat kahapon at ipapaubaya ko nalang ang lahat sa pinsan kong si Zander.

Siya na daw ang bahalang magpalakad ng business habang abala ako sa importanteng bagay na inaasekaso ko.

Back to reality. Matapos kong maligo at makapagbihis ay muli akong napapabuntong hininga.

Naalala ko nanaman ang asawa ko.Sa tuwing nakikita ko ang aming kama ay siya ang unang pumapasok sa utak ko.

Damn! Namimis ko na talaga siya. Hindi nito sinasagot ang mga tawag ko at hindi na rin niya ako nire-replayan sa mga text ko.

Minsan ko na rin binalak na puntahan sila sa dating tinutuluyan nito ngunit lagi nalang nauudlot dahil sa mga sunod-sunod na meeting at kung ano-ano pa tungkol sa business ko.

Nagpatulong din ako kay Blake na burahin lahat ng copy ng video namin ni Karylle sa isang bar.

That was just a huge mistake of mine. Hindi ako nag-iisip ng mga oras na yon at pati ang inusente kong PA ay nadamay na sa kagaguhan ko.

Lumabas ako mula sa kwarto dahil pakiramdam ko mababaliw na ako sa sobrang pagkamis sa asawa ko.

Paano ko kaya ipapaliwanag sa kanya na mali ang iniisip nito tungkol sa halikan namin na yon ni Karylle.

Si Hunter...kumusta na kaya ang batang yon? Sobrang namimis ko na talaga ang mag-ina.

Natigilan ako sa paghakbang ng masandok ng paa ko ang mga damit na nakahilata sa sahig.

Oo nga pala. Halos dito na ako naghubad kanina dahil sa sobrang pagkahilo. Pinulot ko ang mga yon saka tinupi at nilagay sa loob ng washing room.

Pababa na ako sa hagdan ng may masagi ang kamay ko sa hawakan ng hagdan.

A bracelet? Parang kilala ko kung kanino ang bracelet na ito!

".Hey Dy? Kagigising mo lang?!"

Napaangat ang tingin ko sa lalaking kampanteng nakaupo sa mahabang sofa na nasa sala.

Lihim kong binulsa ang bracelet.

Namulsa akong lumapit at umupo sa tapat niya.

".What are you doing here? Paano ka nakapasok?!"Sunod-sunod na tanong ko.

".You called me last night to give the information, don't you remember?. At saka pumasok ako sa pinto kaya ako nakapasok. Bakit kasi nakabukas ang pinto ng bahay mo?."Asik niya.

Nangunot  ang noo ko sa huli nitong sinabi.

Hindi ko ba naisara ang pinto kanina? Pero natatandaan ko naman na sinara ko iyon. Pero paanong?

Tsk! Whatever...

".Never mind. So nakuha muna?!"Taas noo kong tanong.

Napansin ko ang pasa nito sa gilid ng kanyang leeg. Para siyang sinakal ng kung sino.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon