CHAPTER 23

27.9K 701 6
                                    

NAKA-tutok ang mata ko sa harapan ng laptop. Halos maduling na ako sa pag se-search nitong pendant na hawak ko.

Matagal ko na itong hawak. Ito yung pendant na nakita ko sa pinangyarihan ng karumal-dumal na krimen 2 months ago.

Tapos na ang case na yon pero wala akong sinabihan tungkol sa bagay na ito. Kahit pa kay Cullen ay hindi ko tinangkang sabihin.

Curious lang kasi ako kung kanino ba talaga ang pendant na ito. Para kasing may kinalaman ito or koneksyon ang bagay na'to sa mga nangyaring krimen na yon.

Hinalungkat ko na lahat ng pendant sa website pero wala talaga. Ayaw lumabas ang kapareha nito na siyang pinagtaka ko.

I'm pretty sure talaga na may istorya sa likod ng pendant. Hindi lang ito basta pendant lang, sa tantiya ko'y mamahalin at gawa pa yata sa ibang bansa.

Pinagpapawisan na ako. Kanina pa ako nandito sa harap ng laptop. May duty pala ako mamayang gabi kaya i need to prepare myself.

"Ate...?"Bumagsak ang pang-upo ko sa sahig ng biglang tumili itong bagong yaya na kinuha ko para kay Hunter.

Napahilot ako sa aking pwet dahil sa sakit. Lintek na Zandi yan,kung makatili daig pa ang ginagahasa.

Mabilis akong lumabas ng kwarto,natanaw ko ang likod niya sa harap ng pinto palabas.

"Anak ng patola naman oh! ano bang sinisigaw mo dyan,Zandi?"Tanong ko pero sa kusina ako dumerecho para kumuha ng tubig na maiinom.

Hindi sumagot ang bruha.

"Uy! Zandi? ano na? bat natahimik ka dyan?"Binalik ko sa ref ang water jar.

Nagtaka na ako ng hindi nanaman sumagot ang bruha kaya napilitan na akong lumapit sa kanya.

"Zandi? okay kalang?"Tinabig ko ang balikat niya.

Tulala siya.Nakaawang ang kanyang labi.

Umangat ang index finger niya at tinuro ang nakabukas na pinto.

"Oh my gali, ate! hulog ng langit,n-nandito siya...nandito ang lalakeng pinapangarap ko."Humarap siya sa akin. Nagtatalon sa sobrang tuwa na labis kong pinagtaka.

Anong pinagsasabi ng babaeng ito?

"What are you talking about?"Kunot noo kong tanong.

Natigilan siya."Ate naman eh, wag mo na nga akong ini-engles. Alamo na mang hindi ako makaentende ng engles eh..."Napanguso siya sabay kagat sa kanyang daliri.

Ay tanga! Oo nga naman pala. Nakalimutan kong mahina sa english ang babaeng 'to.

"Ano ba kasing pinagsasabi mo dyan?"Nakapamewang na tanong ko.

Ininguso niya ang pinto na nakabukas."Nandito kasi siya, ate!"Kumukurap niyang sambit.

"Sino?!"Irritated kong tanong.

"Iyong ano ko...iyong kasing ano ko ate."Di niya matukoy-tukoy ang sasabihin.

"Naku ha! wag mo akong binibitin Zandi, baka magdilim ang paningin ko at mabuhusan kita ng mainit na tubig."Banta ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya sa takot."A-ate naman eh! bakit ba ang init ng dugo mo?."Hindi siya makatingin ng maayos.

"Dahil pinapakulo mo ang dugo ko...sino ba kasi yang tinutukoy mo? may tao ba sa labas?"Tinungo ko ang pintong naka bukas.

Wala namang tao.

"Ate...iyong..."Binalingan ko siya ng nakasisindak na titig.

"Itutuloy mo or hihilain ko palabas yang dila mo."Naka cross arms kong sambit.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon