CHAPTER 1

53.9K 1K 11
                                    

BADASS! yan ang tawag nila sa akin dahil sa aking ramdom personalities.

Matapang,palaban,walang inuurungan at handang pumatay kapag kinakailangan.

Natanaw ko na ang Phoenix Detective Subdivission Force Unit Monterelaos, kung saan ako nagtatrabaho bilang isang Detective.

"Hey! Miss Lewis, hinahanap ka ni Detective Chief Inspector Barado. Mukang mainit ang ulo niya, malamang dahil nanaman sayo."Salubong agad sa akin ni Quiba, one of my co-Detective.

Inirapan ko lang siya at kampante akong nagtungo sa silid office ni DCI Barado. Ang Chief kong laging salubong ang kilay.

"God damn it! Ano naman ba itong ginawa mong kalokohan, Abigail Lewis?!"Bungad ni DCI Barado sa akin.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay sumalampak ako ng upo sa mahabang sofa na nasa dulo ng kanyang mesa.

"Umiiral nanaman ang pagiging bratinela mo, kung ganyan ka lagi baka wala nang suspek na mahahatulan ng parusa dahil sayo."Malakas na sita niya sabay upo sa tapat ko.

Humugot ako ng hangin at hinarap ko siya.

"Hindi pa ba sapat na parusa ang ginawa ko? diba dapat pa nga matuwa ka kasi ang dami kong nahuhuli na drug adik,murder,serial killer, kidnaper at iba pa? so why are you mad? diba dapat may award na ako nyan?"Mayabang na sumbat ko sa kanya.

Mas lalong umusok ang butas ng ilong niya sa galit.
Padaskol siyang tumayo at napakamot sa sentido.

"Award? award my ass! Oo nga't marami kang nahuhuli pero lahat sila hindi sa prisinto napunta kundi doon  lahat bumagsak sa hospital. Walang malay,nalumpo,nabalian ng buto,puro pasa ang mukha,binutasan mo ng bala ang braso or binti, at ang iba halos isang buwan nang na comatose dahil sa kagagawan mo...My goodness,sumasakit ang ulo ko sayo."Napapa kamot sa ulong sambit niya kahit wala naman siyang buhok.

"Eh sa matitigas ang bungo nila e. Ayaw pang sumuko kahit surrounded na, tatangkain pang tumakas kahit baril na ang nakatutok sa bungo nila. Kung hindi ko naman sila papatulan eh useless lang ang pinaghirapan ko kung ganon.Aba hindi naman pu-pwede sakin yon,chief. Trabaho lang, walang personalan."Pagkwan ay nakade quatrong pagtatanggol ko sa sarili.

Nagsalubong nanaman ang kanyang kilay.

"God damn it! sumasakit nanaman ang ulo ko sayong bata ka. Kung hindi ka lang talaga anak ni kumpare ko, matagal na kitang sinesante. Ako ang napapariwara sa kalokohan mo."Saad nito saka bumalik ng upo sa kanyang swivel chair.

Tumayo ako at diretsong nagtungo sa nakasarang pinto ngunit napahinto ako ng muli syang magsalita.

"Saan ka pupunta?!"Tanong niya.

I just rolled my eyes and turn around to meet his gaze.

"Lalabas na! ano pa nga ba? tapos ka namang sermonan ako diba?!"Sarcastic kong tugon.

Napahilamos siya sa mukha."God damn it! hindi pa ako tapos sayo."He says.

"Kung di kapa tapos, ako tapos na. Sige i gotta go."I rolled my eyes.

"God damn it! ano naman bang trip mo ngayon, ha?! kinakabahan nanaman ako sa maaari mong gawin."Anito niya.

"Exactly! huhuliin ko ang lalakeng nang rape sa kaibigan ko."Seryosong sagot ko.

Nangunot ang noo niya."Sabi ko na nga ba,may warrant of arrest kaba? nakasisiguro kabang ni rape talaga yang sinasabi mong kaibigan?!"Di kumbinsidong tanong niya.

"I don't need warrant of arrest thing, papatayin ko siya, tapos."Malagim na sambit ko.

Napatayo siya."God damn it! Gusto mo bang mabulok sa bilangguan? nahihibang kana nga talagang bata ka."Napapabuntong hininga nitong bulyaw sa akin.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon