CHAPTER 65

37.9K 912 100
                                    

[DYLAN]

"GRANNY! Please, tama na. Oo nagkamali ako,sinuway ko ang utos mo pero anong magagawa ko? Sinunod ko lang naman ang tinitibok ng puso ko."

Nagsusumamong usal ko sa kabila ng walang pantay na paghampas sa akin nitong dalawang lalake gamit ang mahabang latigo.

Kanina ko pa gustong magwala dahil pakiramdam ko parang mababali at mawawasak na ang skeleton ng likod ko.

Hindi ko naman magawang manlaban dahil nakaposas ang magkabilang braso ko sa kamay nitong malaking lion statue.

".Dahlia! Mas mabuti siguro kung hayaan mo nalang ang mga batang ito sa decision nila. Hindi naman sila batang paslit para pangaralan or parusahan eh."Biglang sambit ni Lolo Hendrick na nasa tabi lang ni granny Dahlia.

Napaangat ang ulo ko at napatitig sa kanya. Napansin ko na maging ang mga kasamahan namin na narito ay nakatitig din kay lolo Hendrick.

".Manahimik ka Rick! Baka nakakalimutan mo na halos mabaliw na ako sa sobrang katigasan ng ulo ng batang ito? At saka kelan kapa naging tutol sa mga decision ko?"Nanggagalaiting bulyaw sa kanya ni granny.

Napapailing nalang si lolo Hendrick at hindi na lang muling umimik pa.

Lagi naman ganyan si lolo eh, hindi niya magawang tumutol sa mga decision ni granny sa pagkat si granny lagi ang nasusunod.

".Granny! Please naman..."Naputol ang pagsasalita ko ng may marinig akong pagkasa ng baril.

Napalingon ako sa taong may gawa non na papalapit na pala sa akin.

".Destroy that woman or you die?"Malamig na sambit nito sabay tutok ng golden gun sa mukha ko.

Tigim bagang akong napatitig sa kanya.

".Patayin mo nalang ako kung yan ang makakapag tahimik sa inyo,Tita Roxy."Matapang na tugon ko.

Kalmado lang siyang nakatitig sa mata ko, Tita Roxy is one of the most scariest woman in our family clan.

Kapatid siya ni Dad at magkaibang-magkaiba ang ugali nila. Mabait na tao si Dad, while this woman is such a devil.

Kayang-kaya niyang kumitil ng buhay kung kailan niya gusto.

".Are you fucking blind, Dylan? Hindi mo ba ginagamit ang utak mo? Alam mo naman na hindi ka talaga mahal niyang asawa mo pero pinagpipilitan mo parin ang sarili mo. Napaka laking tanga mo, pinapahiya mo lang ang angkan nating mga Monterelaos. Wala sa lahi natin ang manghabol sa mga taong kagaya ng babaeng yan."Mahabang litanya nito kasabay nun ang paglingon niya sa gawi ng asawa ko na kanina ko pa napapansing abala sa pakikipag-usap sa mga pinsan ko.

Wala akong idea kung anong pinag-uusapan nila. Pinalibutan siya nila Blake, Jake, Jaden,Zander, Silver at Kiero na nasa harapan lang niya.

May kutob ako na may mga sinasabi sa kanya ang mga pinsan ko. Kung ano man yon, sana lang hindi yon maging dahilan upang magwala ang asawa ko.

Kilala ko siya, once na may bagay siyang hindi nagustuhan nagwawala siya at walang sinuman ang makakapigil sa kanya.

At alam kong mahal ako ng asawa ko.

Mahal niya ako

Sigurado ako don dahil ramdam ko yon.

".Mamili ka Dy, mga anak mo or ang asawa mo?!"Singit na saad ni granny.

Umusbong ang nag-aapoy na galit sa mga ugat ko dahil sa kanyang sinabi.

".Are you guys serious? Papipiliin niyo ako between my kids and my wife? What the hell?!"Sa inis ko sinubukan kong tumayo mula sa pagkakaluhod sa matubig na sahig ng fountain.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon