CHAPTER 59

29.8K 732 16
                                    

SIX MONTHS LATER

Lumipas ang anim na buwan at ako'y nasa maayos nang kalagayan.

Nakauwi na ako or kami sa aming bahay, sa village ng Monterelaos.

Bumalik na kami doon dahil naging maayos naman ang lahat.

Wala nang mga asungot na umaaligid sa amin at lalong tahimik na rin ang buhay namin.

Nalaman ko na rin lahat ng mga nangyare nong bago kami mapadpad sa hospital.

Ikinwento sa akin ni Cullen kung paano kami nakaligtas ng mga oras na iyon.

Nagkataon daw na dumating si Kiero para iligtas kami sa mga tauhan ni John.

At si Kiero din ang taong sumagip sa akin nung mga oras na nasa ilalim ako ng tubig.

Gising na daw si Cullen ng mga oras na yon. Kitang-kita daw nya kung paano magwala si John ng makita nyang nasa ilalim ako ng tubig.

Kamuntikan pa daw nya mapatay si Haciena kung hindi lang dumating si Kiero na sumagip sa amin.

Nataranta daw si John nung biglang sumulpot si Kiero,akma daw niyang tumalon sa pool para sagipin ako ngunit isang malakas na suntok ang inabot niya kay Kiero.

Kahit ganon ang ginawa ni John sa akin or sa amin ay alam kong may konting kabaitan parin sya lalo na sa akin.

Kaya hindi niya ako magawang pasakitan.

Because he's crazy inlove with me.Maybe that's why he didn't let Haciena to hurt me.

After daw malaman ni Kiero na nasa ilalim ako ng pool ay kaagad daw itong nag dive para sagipin ako.

Kiero saved me! And i'm so glad to hear that. Hindi ko pa siya nakakausap dahil may pinuntahan daw ito ayun kay Jaden.

Si Haciena naman ay naglaban nung tangkain siyang dakpin ng mga tauhan ni big boss Blake na sumagip din sa amin, kaya walang choice si Kiero kundi ang barilin sa ulo si Haciena na naging dahilan upang bawian ito ng buhay.

Tungkol naman daw kay John, nasa prisinto siya ngayon ay kusa naman daw niyang inamin sa awtoridad ang mga krimen na kinasangkutan niya.

Handa daw siyang pagbayaran lahat ng mga nagawa niyang kasalanan.

Pinag-iisipan ko din na dalawin siya sa prisinto para alamin kung bakit ba siya naging miserable sa buhay. Marami pa akong dapat malaman at itanong sa kanya pero hindi muna sa ngayon.

Abala pa ako sa taong ilang buwan na rin hindi gumigising.

Anim na buwan na at until now tulog parin siya. Kagagaling ko lang ngayon sa bahay ni Avelina para bisitahin siya.

Nasa mabuting kalagayan na rin ang gaga na iyon, masamang damo nga mahirap mamatay.

Kamuntik na daw siyang magahasa ni John nong mga oras na nasa bingit kami ng kamatayan.

Kung hindi lang daw sa ginawa ni Haciena na naging dahilan upang matigilan si John sa binabalak nito ay baka daw punit na ang pagkabirhen niya.

Gaga talaga! Sa harapan mismo ni Cullen niya sinabi na siya ay virgin pa.

Hindi tuloy nakaligtas sa mata ko ang pamumula ni Cullen. Parang may something sa dalawang yon, kaya iniwanan ko na sila para masolo nila ang isa't-isa doon mismo sa bahay ni Avelina.

Kaya pala nawalan ng malay si Cullen nung mga time na pinapahirapan kami ni Haciena at John ay dahil daw sa pills na nainom nito.

Sinadya daw iyon na ipainom sa kanya ni Quiba.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon