CHAPTER 50

25.4K 631 55
                                    

[".SWEETY! nasaan ka?!"]

".Nasa bahay ako Dad,kukuha lang ako ng mga damit ni Hunter para may pampalit siya."

[".Okay, just wanna make sure that you're fine."]

".I'm fine,Dad. I'll be right there a minute..."

Binaba ko na agad ang tawag matapos namin makapag paalaman ni Dad. Siguro nag-aalala lang talaga siya kaya ito napatawag.

Actually kamuntik na akong makabangga ng bata kanina habang nasa biyahe ako.

It's bothering me ang mga salitang binitawan ni Jane kanina bago ko siya lisanin.

Desindido na siyang paikutin sa kamay nito si Dylan para makaganti siya. Pero sa loob-loob ko hindi ako mapalagay.

May nagtutulak sa akin na wag hayaang magtagumpay si Jane sa kanyang pinaplano.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig kanina. Nanigas ako dahil labag sa akin ang gustong mangyare ni Jane.

Kung noon napaka obssessive kong tao para kay Jane,ngayon ay iba na. Kay Dylan na ako nagiging obssesed at ramdam ko sa puso ko na kailangan ko si Dylan.

Kaya naman naguguluhan parin ako at hindi ako matatahimik hangga't diko nalalaman ang totoo.

Kung ano ba talaga ang totoong nangyare between Jane and Dylan a few years ago.

Tapos konang ilagay sa maliit na maleta ang mga damit ni Hunter.

Pagbukas ko ng pinto ay isang bulto ng malaking lalake ang nakaharang sa harapan ko.

Pagtingala ko sa napaka gwapo niyang mukha ay ganon nalang ang pagdagundong ng dibdib ko.

Matagal ang naging titigan namin na pawang mga pipi at walang imikan.

".D-Dylan?!"

Kusang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya. Napaiwas ako ng titig sa kanya.

".Abi!"Mahinang sambit din niya na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

Bwiset! Namimis ko siya...Oo namimis ko ang pagmumuka niya. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita dahil sa pag-iwas ko.Pero damn it! I really miss him.

Kinalma ko ang sarili para hindi niya mahalata ang epekto ng presensya niya sa akin.

Akma ko siyang lalagpasan ngunit huli na ng huliin niya ang pulsuhan ko.

".Why didn't you answer my calls?!"Husky niyang tanong.

Sinikap kong kalagin ang kamay niya pero para iyong kadena na hindi maalis. Napatingala ako sa napaka seryoso ngunit gwapo niyang mukha. Subalit hayon nanaman ang kakaibang kulay ng mukha niya.

Namumutla siya at parang kulang na kulang sa tulog. Kapansin-pansin din ang napaka gulo niyang ayos.

Natatabingan ng medyo mahaba nitong buhok ang kanyang kabilang mata. Gusot na rin ang suot niyang grey long sleeves.

Kusang bumaba ang mata ko sa suot niyang dark blue rip denim jeans at ang sapatos niyang may dungis sa dulo nito.

Anong nangyare sa lalakeng ito at ganito na ka miserable ang hitsura niya? Pero impyernes kahit magmukang basahan pa ang suotin ng hudas na ito ay gwapo parin.

Para lang nga siyang nagmomodel eh. Teka muna, back to reality...

Taimtim akong nakipag titigan muli sa kanya kahit pa pakiramdam ko hinihila ako ng mata niya.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon