CHAPTER 12

30.4K 866 36
                                    

NAKAKAPAGOD ang maghabulan at magharutan sa tabi ng karagatan kasama ang lalakeng walang kasing kulit.

Pero hindi ako nagrereklamo sa halip ay natutuwa ako dahil lumabas din ang tunay niyang kulay.

Napaka cheerful pala na lalake itong si Dylan.Habang naghahabulan kami sa gilid ng karagatan nakakalimutan ko ang pangungulilang naramdaman ko mga isang oras na ang nakalipas.

Habulan dito, harutan doon.Ilang beses din namin sinisid ang ilalim na dagat na nasa di naman kalaliman.

Tinambakan ko pa ng buhangin ang topless na katawan niya at di naman siya nagpatalo. He did the same thing to me dahilan para di ako matigil-tigil sa kakatawa.

Napaka saya pala niyang kasama at ngayon ko lang yon nakita at naramdaman.

"Come on!you can't catch me with that speed..."Malakas na sigaw nito para marinig ko.

Nakakainis siya, napaka bilis niyang tumakbo. Matapang ako pagdating sa bakbakan at barilan pero ito ang kahinaan ko. Ang pagtakbo ng mabilis, pakiramdam ko kasi naiiwan ang pwet ko.

Huminto ako at napaluhod sa buhangin. Basang-basa na rin ako dahil kagagaling lang namin sa ilalim ng dagat at heto nanaman siya sa pangungulit na habulin ko siya.

"Ha. Ha.Ha! h-hindi ko na kaya. Why do i have to chase that idiot?...tsk."Napahilata na ako sa buhangin at napapikit sa sobrang pagod.

Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng umangat ang katawan ko sa ere.

"Hey? put me down? what are you doing?!"Pagtatakang tanong ko ng mapagtantong sa dagat niya ako dinadala habang karga niya ako.

Ginawaran lang niya ako ng pilyong ngiti.Pagkwan ay maingat niya akong ibinaba sa tubig na hanggang bewang ko na ang lalim at hanggang sa pang-upo lang niya.

Nagulat pa ako ng hapitin niya ang bewang ko sanhi upang magdikit ang basang katawan namin.

Sinalubong ko ang nakakatunaw niyang titig na punong-puno na pagnanasa habang nakatitig sa mukha ko.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagkibot ng labi niya na parang takam na takam na akong halikan.

Mas diniin pa niya ang katawan ko sa matipuno niyang katawan. Napahawak ako sa kanyang dibdib na kesarap himasin.

Pucha!...kalma lang, inaakit ka lang ng mokong na yan.

Sita sa akin ng isa kong diwa ngunit sadyang mahirap iwasan ang kanyang titig.

"I'm so helpless when you smile...you're prettier when you smile."Napaka lambing nitong aniya.

Tinampal ko ang kanyang braso pero mahina lang.

"Lumang linya na yan...hindi yan uubra sa akin."Inungusan ko siya.

Inilapit nito ang kanyang mukha sa mukha ko."I'm fucking serious, Abi!"He said.

"Okay, Oo na! so, pwede mo naba akong pakawalan?"Tinangka kong itulak siya pero ang gago, di man lang matinag.

Pakiramdam ko hinihigup niya lahat ng lakas ko sa tuwing magdikit ang balat namin. Nawawalan ako ng lakas at napapalitan yon ng kakaibang init na dumadaloy sa kalamnan ko.

"Now i want to ask you once again...can i court you?!"Sumeryoso  na siya.

Napaiwas ako ng titig sa kanya.Hindi ko alam kung dapat ba akong magpadala sa epekto nito sa akin.

Isa siyang certified womanizer at alam kong marami na siyang babae na pinaikot sa matatamis nitong salita.

"Mahirap magtiwala sa taong alam mong hindi katiwa-tiwala lalo na sa isang katulad mo. Ayokong mapasama sa mga babaeng pinaiyak at pinaglaruan mo, baka mapatay pa kita pag nagkataon..."Inilayo kona ang sarili ko sa kanya.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon