CHAPTER 41

26.6K 757 10
                                    

PAGGISING ko halos mapamura na ako sa sobrang inis ng makita ko kung anong oras na.

"Oh my god! Late na ako..."Kamuntikan pa akong madapa pagka-apak ko sa sahig.

8:30 am na. Dapat alas singco palang nasa PU na ako.

Bwisit! Kasalanan ito ng malibog na lalakeng yon. Inumaga na kami dahil sa kalibugan niya. Ilang beses ba naman niya akong angkinin ng walang tigil.

Kaya diko na namalayan na nakaidlip pala ako ulit dahil sa pagod. Damn that dickhead guy, pero may kasalanan din naman ako.

Hindi ito mangyayare kung hindi ko siya hinayaang gawin ang gusto niya. Pareho namin ginusto ang nangyare at pareho din kaming nalunod sa pagnanasa.

Naligo na ako at nagbihis.Daig ko pa ang hinahabol ng kabayo sa bilis ng kilos ko.Paglabas ko nakasalubong ko agad si Zandi na may bitbit na broom.

Mukang nakauwi na siya from Dad's house. Pero nasaan si Hunter? together kasi silang sinundo ni Dad kahapon.

"Zandi? Kanina paba kau nakauwi? sinong naghatid sa inyo at nasaan na ang mga tao dito?!"Pagkwan ay tanong ko.

"Naku ate, kanina pa sila nagsilayas. Mga alas sinco pa kami inihatid dito ni Dad mo.Himala, ang aga niyo po yatang gumising ah."Maarteng sagot niya.

"Wala ako sa mood para makipag lokohan sayo, Zandi."Atungal ko sabay suot ng aking boots."Si Hunter? anong oras siya umalis?"

"Nauna lang siya kila Sir Dylan matapos siyang gawaan ng almusal ni sir. At hindi lang yon ate, siya rin ang naghanda ng baon ni Hunter. Sinundo siya nung poging bata na si Bryne kaya ang naiwan nalang ay si Sir Dylan pati yong babaeng kasama niya pero umalis din sila agad matapos nilang kumain."Mahabang paliwanag naman ni Zandi.

Parang may tumubong galit sa ugat ko knowing na magkasama sila ng PA niyang nag-agahan.

Natuwa rin naman ako dahil sa pagiging humble niya towards my son. Talagang kina-reer na nito ang pagpapaka-Daddy niya sa anak ko.

Ang nakakainis, hindi man lang niya ako ginising. Alam naman niyang may duty ako ngayon pero ang lokong yon, sinadya yata niyang wag akong gisingin.

Lagot sakin ang hudas na yon.

"Bakit hindi man lang niyo ako ginising?!"Binalingan ko ng tingin ang nagwawalis na si Zandi kahit wala namang kalat sa sahig.

"Ay ate! ginigising po kayo ni Hunter kanina paggising niya pero kayo 'tong ayaw gumising eh. Sarap ng tulog niyo, teh!"Nakangising sambit niya.

".Sige! Alis na'ko."Nag dash na ako ng alis.

"Ate? pinapasabi pala ni sir Dylan na gagabihin siya mamayang gabi...at kainin niyo daw po ang breakfast na niluto niya para sayo. Ang sweet talaga ni sir!"Pahabol na tugon ni Zandi.

He make a breakfast for me? Oh well, that's not bad...but too bad! I have no time to eat.

"Wala na akong oras para kumain, mahuhuli na ako."Lumabas na ako sa pinto.

"Eh ate...paano yong breakfast mo?!"Nakadungaw ang ulo niya sa pintong nakabukas.

"Lamunin mo kung gusto mo..."Nagmamadali kong sambit.

Narinig ko pa ang pagtitili niya dahil sinabi ko. Alam kong patay na patay siya kay Dylan kaya nga pinakiusapan niya akong wag sisantihin dahil magbabago na daw siya.

I know naman na si Dylan ang dahilan niya. But it's nothing big deal to me anyway.

Walang lingon akong sumakay sa Ducati ko.Pagbukas ng malaking gate ay saka ko pinaharurot ang Ducati.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon