"AALIS na po kami lolo Ed at lola May!"Magalang na pagpapaalam ni Dylan sa dalawang matanda na malungkot ang mukha.
"Nakow eh mag-iingat kayo sa biyahe mga apo! kapag gusto niyong magbakasyon ulit eh nakabukas ang aming tahanan para sa inyong pagbabalik..."Si lolo Edward.
"Maraming salamat po lolo, wag kayong mag-alala babalik pa kami dito. Makakaasa kayo...!"Niyakap ni Clifford ang lola Maymay na humihikbi.
"Sige po! salamat po sa inyong kabutihan lolo...lola! aalis na po kami."Singit ko.
Nagpaalam na rin si Felia sa dalawang matanda. Ginawaran ko pa ng mahigpit na yakap si lola Maymay bago kami tuluyang maglakad palabas ng bakod.
"Dylan, apo! iyong itinuro ko sayo. Wag mong kakalimutan..."Pahabol na anito ni lolo kay Dylan.
Kinawayan siya ni Dylan at tinapunan ng pilyong salute.
Hindi ko man alam kung ano iyong ibig sabihin ni lolo Edward pero may kutob akong hindi maganda.
Muli akong napalingon sa dalawang mag-asawa na kumakaway sa amin.
Kahit napaka ikli lang ng mga araw na pinagsamahan namin ng dalawang matanda ay naging masaya ako at hindi ko makakalimutan ang mga moments na nangyare sakin sa lugar na ito.
Pag-apak namin sa maliit na kalsada ay nandun na ang isang maliit at lumang tricycle na inarkila ni lolo Edward para maghatid sa amin sa bayan.
Dalawang oras daw ang biyahe bago kami makakarating sa bayan.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang driver. Lumabas ito mula sa driver seat, nakangiti siyang bumati sa amin.
"Magandang umaga mga kapatid...sakay na sa aking kok harder!"Saad nito.
Napangiwi ako sa kanyang sinabi."Kok harder? seryoso ka brad?!"Tanong ni Dylan.
Napakamot sa matabang pisngi nito ang lalake."Yan ang pinangalan ko sa aking tricycle, cool ba?!"Proud niyang sabi.
Napapailing nalang ang dalawang lalake na kasama namin.
"Cool my ass!..."Si Clifford.
"Bweno! sumakay na kayo at nang maka larga na tayo...mahaba pa ang oras bago tayo makarating sa bayan."Anunsyo nito.
Sumakay siya sa driver seat at napaatras kami ng bumaba ang tire ng tricycle dahil sa kabigatan niya.
Sasakay na sana si Clifford sa unahan ng magsalita ang matabang driver.
"Naku kapatid!...don kayo maupo sa likod.Sira ang upuan na yan sa harap kaya sa likod nalang kayo magsiksikan..."Ngingiting anito nya.
"What the fuck!...anong klaseng tricycle ito? buong buhay ko ngayon lang ako makakasakay sa ganitong uri ng sasakyan. Damn it!"Naaasar na angal ni Clifford.
"Wala tayong magagawa mga kapatid! ganon talaga."Sansala ng lalake.
"Ba't di nalang kayo bumili ng bago?!"Singit pa ni Clifford.
"Kapatid! mas importante parin sa akin ang magkalaman ang tyan ko kesa bumili ng bago...sige na sakay na."Sansala ulit ng lalake.
"Ang dami mo pang inaarte dyan Cliff!...halika na at ng makaalis na tayo."Si Dylan.
Naunang pumasok sa loob si Clifford at sumunod naman si Felia.
Akma akong papasok ngunit walang bakanteng upuan.
"Anak ng...paano kami magkakasya dito?!"Atungal ni Dylan.
Paano nga naman kami magkakasya eh kung tutuusin halos napuno na nila Clifford at Felia ang upuan.
BINABASA MO ANG
(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)
Action(R18) DYLAN MONTERELAOS (BOS-Beast Of Stars) ABIGAIL LEWIS_She's badass with a good heart,soft but strong. Unapologetic and honest, she's the type of woman you go to war beside, the type of woman you want to marry. She's bad as fuck, but in all th...