CHAPTER 28

26.9K 723 11
                                    

NAALIMPUNGATAN ako ng makarinig ako ng ingay sa aking paligid na sa tantiya ko'y malapit lang sa gawi ko.

Pinilit kong imulat ang aking mata. Nanlaki ang mata ko ng bumungad sa akin ang aking sarili.

I mean nakaharap ako sa isang malaking salamin. Nakaupo ako sa isang malambot na silya.

Ngunit ang nagpaluwa sa mata ko ay ang puting gown na suot ko.

Parang pang kasal. No, hindi lang parang, kundi talagang pang kasal na gown itong suot ko.

Sinubukan kong kumilos ngunit hindi ko maigalaw ang kamay ko.

Naramdaman ko na nakaposas pala ang kamay ko sa likod ng silya.

"Well done na po, teh! ang ganda niyo..."Untag sakin ng isang babae.

Inayos nito ang puting bulaklak na nakasabit sa buhok kong nakalugay.

Napatitig ako sa aking sarili. Parang hindi ako'to. As in hindi ko makilala ang sarili ko, inayusan nila ako at binihisan.

Anong kalokohan ito?

"Nasaan ako? bakit ako nakaposas? ano'tong ginawa niyo sakin? bakit ako nakasuot ng gown?"Sunod-sunod kong tanong.

"Ikakasal po kayo, teh!"Nakangiting sagot ng babae.

Nanlaki ang mata ko sa gulat."Ano kamo?!"Di makapaniwalang tanong ko.

"Handa na ang lahat! dalhin niyo na ang bride..."Anunsyo ng isa pang babae mula sa nakabukas na pinto.

Malawak at malaki ang silid. Punong-puno ito ng iba't-ibang klase ng palamuti na puro mamahalin.

Nagsisigaw na ako sa inis dahil walang ni isa sa kanila ang sumasagot sa tanong ko. Kahit ang babaeng kumausap sa akin kanina ay biglang tumahimik.

Iginiya nila ako sa isang nakasarang pinto. Gusto kong magwala pero kinalma ko ang aking sarili.

I want to see what's inside of that room na pinasukan nila sa akin.

Paglabas ko, nasilaw ako sa kumikislap na ilaw sa kisame.

Napakurap-kurap ako hanggang sa luminaw na sa paningin ko ang kabuuan ng lugar.

Nasa isang napaka lawak na silid ako napadpad. Maraming tao ang nakatitig sa akin.

Marami ring press ang nandon. Natanaw ko rin ang mga taong pamilyar sa akin pero ang iba ay ngayon ko lang nakita.

Napaka raming mata ang nakatitig sa akin. May malapad na ngiti ang gumuhit sa labi nila.

Natuon ang pansin ko sa lalakeng kumaway sakin.

Si big boss Blake...

Anong nangyayare? paano ako napunta sa ganitong situation? am i dreaming?

Napaismid ako ng makita ang mukha ni Dad. Kasama nito si Kuya June at Louie na nagpupunas ng mata.

Akma akong lalapit sa gawi nila ng may maliit na kamay ang humawak sa kamay ko. Saka ko lang napagtanto na wala na palang posas ang kamay ko.

"Mama! I love you po..."Napilitan akong dumukwang upang salubungin ang halik ni Hunter sa pisngi ko.

Hindi ko alam kung bakit parang wala ako sa sarili. Hindi ako makakuha ng chance na magsalita hanggang sa nasa tabi na ni Dad si Hunter.

Napalingon ako sa mga taong panay ang palakpakan.

Nagulat pa ako ng nasa harapan ko na ang mother ni Dylan. Kinuha nito ang kamay ko saka hinila patungo sa gawi ng isang lalakeng nakatalikod sa akin.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon