CHAPTER 11

31.4K 905 26
                                    

"GAANO man katamis ang kasalukuyan, ang pinaka mainam sa lahat ay ang paghahanda sa kinabukasan ng sa gayun ay makamit ang dalisay at wagas na pagsasama ng nagmamahalan."Mahabang paksa ni lolo Edward.

Naririnig kong pinapayuhan niya ang dalawang lalake na tumutulong sa kanyang magbalat ng mais na iihawin nila mamaya.

Kasama ko naman si lola at Felia na naghihiwa ng mangga. Konti lang ang layo nila sa gawi namin, kanya-kanya kami ng ginagawa.

Mahigit apat na araw na rin kaming nanatili sa lugar na ito na walang ibang bahay na makikita kundi ang bahay ng mag-asawang  ito.

Malayo daw ang bayan mula rito, sasakay pa daw ng trycicle ng dalawang oras bago marating ang bayan.

"Eh lolo! kaya ba mahal na mahal niyo si lola Maymay?!"Sabad ni Clifford.

Nilingon kami ni lolo Edward ay kay lola Maymay siya nakatingin.

"Dumaan pa ako sa butas ng karayom bago ko nakamit ang matamis na Oo ng lola Maymay mo, klepord."Saad ni lolo Edward.

"Bilib din ako sayo lolo, kaya nga iniidulo ko kayo eh. Turuan niyo naman po akong manligaw lolo, bad trip kasi ako nitong mga nakaraang araw eh. Hiniwalayan ako ng kasintahan ko."May lungkot sa boses ni Clifford.

"Bakit ka naman hiniwalayan?!"Lolo Edward.

"Maraming rason lolo, keso gwapo daw ako,malaki ang katawan,mahaba ang...alamo na yon lolo...Ouch"Si Clifford.

Binatukan siya ni Dylan sa ulo dahilan para mapakamot ito sa ulo.

"Wag kayong magpaniwala sa isang ito lolo...malapit na nga yang ikasal eh...ako nalang ang turuan mong manligaw."Sambit ni Dylan.

Naibuga ni Clifford ang iniinom na kape sa mukha ni lolo Edward na nasa harapan nila.

Nagkanda taranta na ang matanda sa kakapunas ng mainit na kapeng naibuga ni Clifford. Todo punas at paghingi rin ng sorry si Clifford sa kanyang lolo.

"Lolo! Okay na ba kayo?!"Nag-aalalang tanong ni Clifford.

"Ikaw talagang bata ka! wag mo kasing lunukin kung mainit..."Sita sa kanya ni lolo.

"Eh pano kasi lolo, iyong sinabi nitong kaibigan ko parang hindi kapani-paniwala. Parang sinapian siya ng espirito..."Nakangising saad ni Clifford.

"Ano namang masama sa sinabi ko, gago?!"Napipikon na sabad ni Dylan.

Tinapik-tapik siya ni Clifford sa balikat."Dude! naririnig mo ba ang sarili mo? ikaw pa ba ang Dylan Monterelaos na kilala ko? para kasing may hindi tama eh."Di makapaniwalang saad ni Clifford."Biruin mo, ang isang Dylan Monterelaos na certified womanizer ay magpapaturo sa panliligaw? that's not like you, eh sa kama mo lang dinadaan ang mga babae mo eh. Anong nangyare? ba't parang nag-iba ang ihip ng hangin?"Pangungutyang usal ni Clifford.

"People changed, bastard!"Mahinang usal ni Dylan.

Tuluyan ng humalakhak si Clifford dahilan para malingon sila ni lola Maymay.

"Seriously?...ikaw pa ba talaga yan, dude? tinamaan kana yata."Malakas na usal ni Clifford.

"Aba'y ano bang masama sa sinabi ng kaibigan mo, Klepord? ganyang-ganyan din ako noong kabataan ko. Marami akong babae pero nagbago ako simula ng makilala ko ang lola Maymay mo...kapag nagmahal ang isang tao, kahit gaano pa yan kasama magbabago at magbabago parin yan. Kaya wag kang mag-alala Dylan, apo! akong bahala sayo."Tinapik din siya ni lolo Edward sa balikat.

Natahimik si Clifford at parang hindi makapaniwala sa sinabi ni lolo Edward.

"Salamat po lolo Ed!..."May siglang saad naman ni Dylan.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon