CHAPTER 27

25.8K 694 14
                                    

NAPAMULAT ako ng mata dahil sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. At talagang piniga-piga ng kung sino man itong makating kamay ang pumiga sa doorbell buttoms.

Umahon ako mula sa bathtub. Isang oras na din yata ako nanatili sa loob ng bathroom at hindi ko namalayan nakaidlip pala ako.

May duty ako ngayon kaya maaga akong gumising.Nagsuot lang ako ng roba saka lumabas at tinungo ang nag-iingay na pinto.

Sino ba itong taong 'to? hindi pa siya nakuntentong pigain ang doorbell at pati pinto balak din yata nyang sirain.

Padaskol ko iyon binuksan."Anak ng kabayong kuba naman oh! what do you think you're..."Natigilan ako sa pagsasalita.

Isang ginang ang bumungad sa akin. Salubong ang kanyang kilay, sinuri niya head to toe ang kabuuan ko.

Mukang mayaman ang babae dahil sa porma nito at pati ang mabango niyang pabango ay mamahalin din.

Sino ang ginang na'to?

"Ikaw ba si Abigail Lewis?!"May pagka bruha niyang tanong kasabay nun ang pagsampay niya sa kanyang balikat ang Gucci handbag nito.Pinag krus pa nito ang dalawang braso sa harap ng kanyang  dibdib.

"Yes! ako nga."Malamig kong sagot. Malamig pa sa ice cube."Bakit? sino naman kayo? kung makakatok kayo parang sisirain niyo na ang pinto ng bahay ko..."Tinarayan ko rin siya.

"Where is my son?!"Tanong niya at prenteng pumasok sa loob ng bahay.

Ini-scan niya ang kabuuan ng bahay ko na daig pa ang isang inbestigadora.

"Son? sinong son ang tinutukoy niyo? si Son Goku,Son Gohan or Son Goten?!"Pilyo kong pang-aasar sa kanya.

Hindi maganda ang timpla ng babaeng ito sa paningin ko.

Nilingon niya ako ng nakaka pasong titig."Aba't pinipilosopo mo ba ako?!"Nagsitaasan ang kanyang maninipis na kilay.

"Pinapapili ko lang kayo kung sino sa tatlong yon ang son na tinutukoy niyo...may masama ba sa sinabi ko?!"Tinaasan ko rin siya ng kilay.

Hindi na maipinta ang mukha niya sa sobrang inis."Oh mamamia!"Umikot ang bilog ng kanyang mata."I'm talking about my son, si Dylan ang tinutukoy ko boba...nasaan ang anak ko?"

Seriously? ito ang ina ni Dylan?

Naestatwa ako sa kanyang sinabi. That means, ang mataray na ginang na ito ang mother ni Dylan?

Magsasalita pa sana ako ngunit...

Nagulat nalang ako ng isang pitik lang niya sa kanyang daliri ay nagsipag dagsaan sa loob ng bahay ko ang malalaking lalake na naka red suits.

Malalaki sila na pwede ng pang wrestling."Halubugin niyo ang buong bahay...hanapin niyo ang anak ko."Ma-awtoridad nitong utos na agad namang sinunod ng limang lalake.

Maya't-maya ay lumitaw na ang limang lalake at karga na nila ang tulog mantikang si Dylan na nababalot ng makapal na blanket.

Dahil sa malaki rin siyang lalake kaya pinagtulungan siyang buhatin ng apat na lalaki. Naunang lumabas ang isang lalake para ipagbukas sila ng pinto.

Nakatingin lang ako sa kanila na papalabas na ng bahay ko buhat-buhat ang walang kamalay-malay na si Dylan.

Binaling ko muli ang atensyon sa ginang na sa akin din pala nakatitig.

"Pwede na kayong umalis! nakuha niyo na ang sadya niyo..."Pagkwan ay sambit ko.

Seryoso lang siyang nakatitig sa akin."Uunahan na kita hija!"Aniya."I don't like you for my son."Saad nito.

Parang may pumiga sa puso ko nang lumabas sa bibig niya ang mga katagang yon.Pero hindi ko pinahalata na naapektuhan ako.

"Kung matalas ang dila ko, matulis naman ang dila niyo, kasing tulis ng nguso niyo."Namewang akong humarap sa kanya."Wala akong pakialam kahit ina pa kayo ni Dylan,magsama kayong mag-ina pareho lang kayo...may mga saltik sa utak."Napupuno na talaga ako sa ginang na'to.

Nagsalubong pa lalo ang manipis niyang kilay, malamang naiinis na siya.

Bigla nanaman siyang pumitik ng daliri at napalingon ako sa mga babaeng nagsipag sulputan sa harapan ko.

"Oh mamamia.Matalas nga ang dila mo hija! Ngayon pa lang hinding-hindi na kita gusto."Pagkasabi niya non ay tinalikuran na niya ako.

Muli siyang lumingon at nagsalita."Dakpin niyo ang babaeng yan! sa ayaw at sa gusto niya, sasama siya sa akin."Utos niya sa mga babae.

Nagpantig ang tainga ko sa kanyang sinabi.

"Sasama? sino, ako?!"I pointed at myself."Bakit naman ako sasama sayo? no fucking way...Mabuti pa umalis na kayo."Nagtungo ako sa pinto at niluwagan iyon.

Nagtama muli ang titig namin ng ginang."Oh mamamia! I really don't like you..."Umikot nanaman ang bilog ng kanyang mata.

Ang dami pang sinasabi."Lumayas na nga kayo sa pamamahay ko? nakakaistorbo lang kayo."Lumakas na ang boses ko.

Lumapit siya sa akin at nasa likod lang niya ang anim na babae.

"No! You need to come with me..."Sansala pa niya.

Ano ba talagang problema ng ginang na'to?

"Akala ko ba ayaw mo sa'kin? bakit mo pa ako isasama?!"I asked irritated.

"Dahil wala akong choice kundi isama ka..."Tugon pa niya.

Naguguluhan na ako.

"Anong ibig mong sabihin?!"Nagtataka na ako.

Muli siyang pumitik at sa isang iglap lang pinalibutan na ako ng anim na babae.

"Take her..."Utos nito sa mga babae.

Akma nila akong hahawakan ngunit isang malakas na suntok ang binigay ko sa babaeng nasa harapan ko.

Nanlaki ang mata nilang napatingin sa babaeng bumulagta sa sahig.

"Oh mamamia!"Napatakip sa bibig ang ginang ng makita ang nangyare sa babaeng duguan sa ilong.

"Kayo?"Dinuro ko ang mga babae na napaatras palayo sakin."Subukan niyong lumapit at babasagin ko yang pagmumuka niyo."Banta ko sa kanila.

Lahat sila nagsipag labasan sa sobrang takot. Kitang-kita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni ginang.

Muli siyang pumitik ng daliri pero wala namang sumulpot na tauhan niya.

"Hindi ko alam kung anong dahilan at pinipilit niyo akong isama...pero isa lang ang masasabi ko! magsilayas kayo."Diniinan ko ang pagkasabi non.

"I can't believe this! Paano nagkagusto ang anak ko sa isang gangster na gaya nito? Oh mamamia!"Hindi makapaniwalang sambit ng ginang.

Inirapan ko lang siya. Akma kong isasara ang pinto ng biglang may malaking kamay na pumigil non.

Sa inis ko niluwagan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang isa pang malaking lalake na ngayon ko lang nakita.

"Huge guy huh?!"Tinaasan ko lang ng kilay ang lalake." tsk! Kahit magdala ka pa ng armadong lalake dito or kapreng lalake ay kayang-kaya ko silang patumbahin...ahhhh"Natigilan ako ng may ini-spray sa mukha ko ang lalake.

Napaluhod ako dahil sa hilo. Bigla akong nawalan ng lakas at pakiramdam ko pipikit na ang mata ko.

Nilulunod ako ng kakaibang amoy na nasinghot ko dahilan upang tuluyan na akong napahiga sa sahig.

Wala na akong lakas pang kumilos. Bumigay na ng tuluyan ang katawan ko.

Hanggang sa nanlabo na ang pag-iisip ko at nauwi na sa pagkawala ng aking malay tao.

***MONTERELAOS.

To be continued...

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon