"WHAT a nice view, isn't it?"
Napalingon ako sa isang buntis na babaeng lumapit sa gawi ko.
She's small but beautiful. Siya ang asawa ng pinsan ni Dylan na si Jaden. Skylar, her name is beautiful just like her.
Nakilala ko siya kanina ng salubungin nila kami ng asawa niya. Pinakilala siya sa'kin ni Dylan.
They invited us to visit them dito sa napaka gandang beach resort na pagmamay-ari nilang mag-asawa.
Nakilala ko na rin ang asawa ng dalawa pang pinsan ni Dylan na si Jake at Blake.
Halos walang pinagkaiba sa limang magpipinsan. Puro's gwapo at nakakaakit ang kanilang mapupungay na blue eyes.
But one person is un-attended. It's Kiero Monterelaos! i heard na wala siya sa bansa kaya hindi rin siya kasama sa bonding moments na ito.
Super gorgeous din ng misis nila Jake at Blake. Parang mga dalaga pa kung titingnan mong mabuti, hindi mo aakalain na may mga asawa at anak na ang mga ito.
Napalingon ako kay Skylar na umupo sa tabi ko dito sa nakalapag na tela sa buhangin.
"Oo nga! Napaka sarap din ng simoy ng hangin."Sang-ayon ko.
"First time ko dito makapunta!"Saad pa niya.
"Diba sa inyo ang beach resort na'to? bakit ngayon kalang nakapunta?!"Nagtatakang tanong ko.
Gumuhit ang ngiti sa heart shape nitong labi."Ever since kasi na makasal kami ni Jaden, hindi na kami nag-abalang mamasyal sa kung saan. Mas ginusto pa namin ang manatili nalang sa bahay..."She says.
Napapa tango nalang ako saka muling tinuon ang pansin sa four kids na naglalaro sa buhangin.
Napatitig ako sa anak ko na panay ang tawa kasama ang dalawa pang batang lalake na kambal na anak ni Jake.
Kanina ko lang din nalaman na ang batang si B na kaibigan ni Hunter ay ang anak pala ni Jake.
Bryne pala ang real name niya. Kahawig niya ang kanyang ina na si Suzana, napaka gwapong bata.
Pati ang kambal nitong blonde ang buhok na nagmana ang mukha kay Jake ay litaw na litaw din ang taglay na kapogihan nito.
Nabaling ang tingin ko sa anak ko. Siya lang ang naiiba, wala siyang kinikilalang tunay na ama.
Hindi kagaya ng mga batang nasa tabi niya na buo ang pamilya. May ina at ama silang tinatawag, samantala ang anak ko ay ako lang ang maituturing nitong magulang.
Ngunit lubos parin ang pasasalamat ko ng dumating si Dylan sa buhay namin dahil kahit papano may natatawag na Daddy ang anak ko.
"Ang gwapo ng anak mo,Gail!"Biglang untag ni Skylar.
"Thank you..."Napangiti ako.
"Kumusta na ang buhay asawa ng isang certified womanizer na si Dylan?! Hindi ba sumasakit ang ulo mo?"Pagkwan ay tanong niya.
Kalmado lang ako."Ever since naman na makilala ko siya, laging sumasakit ang ulo ko. Kaya ano pa nga ba ang aasahan ko?!"I answered.
"Sa tingin mo ba, magbabago pa ang isang tulad niya?!"Nilingon niya ako.
Napaisip ako ng malalim."No idea!"Tipid kong sagot.
"Oh well! You'll get to know him soon,lalo na't mag-asawa na kayo."Usal niya.
Sa klase ng kanyang pananalita ay parang kilalang-kilala na nito si Dylan.
"But you know what, Gail?!"Pinakatitigan niya ako."He loved you! Sayo lang yata siya kumurap. Sa dami ng mga naging babae niya, sayo lang siya nagkaganyan."She added.
BINABASA MO ANG
(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)
Action(R18) DYLAN MONTERELAOS (BOS-Beast Of Stars) ABIGAIL LEWIS_She's badass with a good heart,soft but strong. Unapologetic and honest, she's the type of woman you go to war beside, the type of woman you want to marry. She's bad as fuck, but in all th...