CHAPTER 20

30K 773 3
                                    

"ANAK NG MABAHONG patis naman oh!"Nanggagalaiting usal ko.

"Sorry po ma'am! mahirap lang pong tanggihan ang kanyang sex appeal eh."Nakangising sambit ng babae na nagtuturo dito sa school na pinapasukan ng anak ko."Ang gwapo-gwapo kasi niya, ma'am."

"Punyeta! Nakakita ka lang ng gwapo nakalimutan mo na ang obligasyon mo? bwiset."Madiing bulyaw ko.

Padabog ko siyang tinalikuran. Sumakay ako sa aking bagong kotse na kabibili ko lang kanina.

Pinaharurot ko iyon at napapabuntong hininga ako sa sobrang galit.

Pagkagaling ko kanina sa PDSFU dumeretso na agad ako sa car shop.

I was so happy when i went to Hunter's school to fetch him up but i was too late. That bastard Dylan took my son without my permission.

I'm getting heat up with anger right now na kung pwede lang ay pinalipad ko na ang kotse dahil sa kagustuhang makarating sa bahay.

Sinabi sa akin ng babae kanina na sinundo ito ni Dylan Monterelaos at ang gago nagpakilala pang asawa ko para mas mauto niya ang babaeng guro.

Naiinis ako dahil diko mawari kung ano nanaman ba ang binabalak ng gagong yon at ginagamit pa niya ang anak ko.

Kung nung isang araw labis-labis ang konsensya na naramdaman ko dahil sa maling akala niya, ngayo'y sukdulan na ang galit ko.

Naglaho lahat ng konsensya at awa na nararamdaman ko towards him at napalitan yon ng galit.

Pagdating ko sa tapat ng bahay mabilis kong binuksan ang gate tsaka deretsong nagtungo sa nakasarang pinto.

Pagbukas ko ng pinto mukha agad ng anak ko ang nabungaran ko.

"Mama?!"Tawag sakin ng anak ko.

Sa sobrang pag-aalala ko lumuhod ako upang yakapin siya ng napaka higpit.

"Oh god! my son. Thank god you're okay...oh my son, Hunter."Namimiyok na saad ko.

Hindi kona napigilan ang hindi maiyak habang yakap-yakap ko siya. Pakiramdam ko ang tagal ko siyang di nakita.

"Mama? why are you crying?!"Nagtatakang tanong ni Hunter.

Dumistansya ako mula sa pagyakap at pinakatitigan ang  nagtataka nitong mukha

"Baby, bakit hindi mo ako hinintay kanina sa school? diba sabi ko wag kang sasama sa kung sino? hindi ka nakinig kay mama..."Malumanay kong sita sa kanya.

Lumungkot ang kanyang mukha."I'm sorry mama! i won't make you sad again and i won't do it again."Napayuko siya na para bang pinapagalitan.

Hinimas ko ang kanyang medyo mahabang buhok."It's fine! come here, give me a hug."Malambing kong saad.

Niyakap naman niya ako ng sobrang higpit. Oh how i love this kid.

Naudlot ang paglalambingan namin ng may lalakeng prente na nakatayo sa harap ko.

"Baby, can you go back to your game room? just a minute okay?"Pagkwan ay bulong ko kay Hunter.

"Yes mama!"Matinis niyang tinig at bumaling kay Dylan ang atensyon nito."Uncle D, who's the winner?"Tiningala niya ang nakapamulsang si Dylan.

Yumukod ito saka hinaplos at ginulo ang buhok ni Hunter."You win again, kiddo."Nakangiting sambit ni Dylan sabay kindat niya dito.

Napasuntok sa ere si Hunter dahil sa tuwa at halos magtatalon na ito. Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya si Hunter lalo na pagdating sa games.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon