CHAPTER 36

28.4K 744 11
                                    

"SERIOUSLY? dem! that guy is crazy."Untag ni Suzana habang pinagmamasdan ang isa sa mga pinsan ni Dylan na si Brawn.

May bitbit siyang pillow at kumot sa. Palaboy-laboy siya sa kabuuan ng malawak na beach at nilalapag nito ang kumot sa tabi ng mga taong naroon sa beach.

Kaya ang resulta pinag tatawanan siya ng mga tao lalo na ang mga kababaihan.

"Look at him...what the hell is wrong with that guy?!"Kanina pa siya tinitingnan ni Suzana.

Maging ako ay hindi rin maalis ang tingin sa kalokohang ginagawa ni Brawn.

Sinubukan pa niyang tumabi sa isang matabang lalake kaya nakakuha siya ng malutong na suntok from the big guy and he even chase Brawn running while carying the pillow ang blanket.

Nababaliw na yata ang lalakeng yon...

Humalakhak ng tawa si Suzana ng makita nito kung paano nagkanda talisod si Brawn ng hindi siya tinantanan ng matabang lalake.

Iniwas ko nalang ang tingin sa baliw na lalakeng yon.

Matapos namin mag-agahan kanina nagpasya akong pumunta dito sa tabi ng dagat.

Binilinan ko rin si Zandi na tawagan ako kapag hinanap ako ni Hunter na abala sa paglalaro kasama si Bryne.

Nagkataon naman na naabutan ko dito ang mag-inang Suzana at Jeliarde.

Pipikit ko na sana ang mata ko habang nakahiga sa sapin na nakalapag sa buhangin ng masagi ng mata ko ang batang si Jeliarde na nakatambay sa tabi ng dagat.

Parang may hinihintay siya...

"Anak mo yon diba?!".Ininguso ko ang bata."Kanina ko pa napapansin, anong ginagawa niya don?"Nagtataka kong tanong.

Bumangon ako at sa likod ng batang lalake napako ang mata ko.

"Naku! eh may hinihintay daw siyang paparating, kaya siya nakatambay dyan. Naku, ang batang yang talaga!"Sagot ni Suzana.

"Sinong paparating?!"I asked.

"Ewan ko nga rin eh, basta sabi niya darating ang kaibigan niya."Di rin siguradong aniya.

Napatango nalang ako. Subalit nanlaki ang mata ko na para bang gina zoom ko pa ang bagay na natatanaw ko mula sa karagatan na papalapit sa gawi ng bata.

Parang matulis na bagay na lumulutang sa tubig.

"Ahhhhhhhh! Shark...."Malakas na sigaw ng isang babae.

Umawang ang bibig ko ng makita ko ang napaka laking shark na sumampa sa harapan ng batang si Jeliarde.

Nakangiting nilundag ni Jeliarde ang dalawang shark na nasa harapan niya.

Hinalik-halikan at hinipo-hipo pa nito ang naka ngangang bibig ng dalawang shark.

Nagsipag takbuhan ang mga tao at nagsitilian dahil sa takot.

Sino naman kasi ang hindi mapapasigaw at matatakot kung ang nasa harapan mo ay isa sa mga mapanganib na animal sa mundo?

Damn it! Anong klaseng bata ito? paano niya napapaamo ang ganyang hayop?

Halos nanginig na rin sa takot itong si Suzana at labis ang pagsisisi niya kung bakit pa niya sinamahan dito ang anak niya.

Kung alam lang daw niya na ito palang mga halimaw na'to ang kaibigang tintukoy niya edi sana hindi na siya nag-abala pang pumunta dito.

Kaagad niyang inilabas ang phone nito at pinindot ng nanginginig niyang kamay saka nilagay sa tainga.

"Hello? My wife, Zana? can you..."Naputol ang pagsasalita ni Jake sa kabilang linya ng magsalita si Suzana.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon