CHAPTER 45

23.7K 625 7
                                    

KANINA pa ako palakad-lakad sa kinatatayuan ko. Balisang-balisa parin ang utak ko dahil sa nalaman ko kagabi.

Hindi na nga ako dinalaw ng antok eh. Kahit gustong-gusto ng pumikit ng mata  pero hindi parin ako mapalagay.

I badly want to see that asshole. As i expected, hindi nanaman siya umuwi kagabi.

Kaaalis lang din ng anak ko papuntang school. Inutusan ko si Zandi na pumunta sa grocery at mamili ng gamit sa kusina at kung ano-ano pa.

That was my plan anyway. Gusto kong magkalinawan kami ng hudas na yon ng sarilinan at walang ibang makaka saksi sa pag-uusap namin.

Natigilan ako ng marinig ang kotse niya sa labas. Mainam akong umupo sa sofa, kanina pa ako nanginginig sa galit.

Biglang bumukas ang pinto palabas at niluwa non ang hudas.

Nakasabit sa balikat niya ang black tuxedo nito. Only his long-sleeve blouse ang naiwan sa kanyang katawan na nakabukas pa ang butones sanhi upang sumilip ang nakaka takam niyang dibdib.

Bwiset! Ano bang iniisip ko? Dapat ay sinugod ko na siya ng suntok sa mukha instead of fantasizing him...damn it!

Napahilot siya sa sentido habang nakayukong humakbang patungo sa hagdan.

Hindi nya yata ako napansin. Paano naman niya ako mapapansin eh mukang lanta na siya kung kumilos.

Para siyang nalugi sa isang business. Hindi na ako nakatiis.Tumayo ako at mabilis na lumapit sa kanya.

".Umuwi ka pang hudas ka!"Bulyaw ko agad sa kanya ng hawiin ko ang kanyang matigas na braso.

Kitang-kita ko sa gwapo niyang mukha ang pagkabigla.

Ngunit may napapansin akong kakaiba sa kanya today. Namumutla ang labi niya at ang gilid ng mata niya ay nangingitim.

Subalit hindi ito ang tamang oras para intindihin ang maliit na bagay na yon. Baka kaya namumutla ang labi niya ay dahil sa halikan nila ng babaeng yon.

Baka nga nauwi na sila sa pagtatalik eh.

Bwiset!

".Baby? kanina kapa ba? hindi kita napansin. Sorry, late nanaman akong nakauwi."Paos at walang lakas niyang aniya.

Parang gusto nang pumikit ang talukap ng mahahaba niyang pilik-mata.

".Kagabi pa ako naghihintay ng pag-uwi mong hinayupak ka."Malamig pa sa ice na sambit ko.

Gumuhit ang pagtataka sa kanyang gwapong mukha kahit maputla na. Gwapo parin ang tinamaan ng gwapo! pucha naman oh.

".Hey? what's wrong? bakit parang galit yata ang asawa ko. Is something wrong?!"Paglalambing nitong aniya.

".Don't touch me, jerk!"Angil ko sa kanya ng akma niya akong yakapin.

Lumayo ako sa kaniya na labis naman niyang ikinagulat. Hindi niya siguro inaasahan na ganito ko siya salubungin.

".Are you mad at me, baby?!"Gaya kanina, nagtataka parin siya sa inaakto ko.

Pinagkrus ko ang aking braso sa dibdib ko at muling nagsalita.

".Oo! Galit ako. Galit na galit ako sa isang babaerong gaya mo. Bwiset ka! Kaya pala lagi kang inuumaga ng uwi ay dahil sa babae mo? gago ka."Lumakas na ang bulyaw ko sa kanya.

Nangunot ang noo niya.".What do you mean? hey, what are you talking about?!"Punong-puno ng pagtatakang tanong niya.

Aba't nag-iinarte pa ang tinamaan ng sperm.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon