CHAPTER 52

24.4K 635 12
                                    

HINDI parin ako makapaniwalang wala na si kuya June. Na patay na siya at iyon na ang huling maririnig ko ang boses niya.

Ang sakit-sakit isipin na sa harapan ko mismo siya nabawian ng buhay.

Kitang-kita ko ang pagsabog ng eroplano kanina. Parang kisapmata na biglang naglaho ang kuya June ko.

Mabilis kong pinahid ang butil ng luha sa pisngi ko.Nilakasan ko ang loob ko,ayokong magmukang mahina.

Hindi ako dapat maging emosyonal ngayon. I have to calm myself. Wala ng magagawa ang luhang ito, kahit ilang balde na luha pa ang bumuhos sa mata ko ay wala ring silbi kung hindi ako kikilos.

Habang nasa gitna ng biyahe ay panay parin ang pagtipa ko sa number ni Avelina pero ayaw talagang sumagot ng gaga.

I need to asked her some favor again. I know nagiging burden na ako sa babaeng yon but i don't have any choices. Siya lang ang mahihingan ko ng tulong.

Nahanap na kaya niya ang taong nagmamay-ari ng kotseng bumangga sa anak ko?

I heaved a deep breath to relax myself. Hindi ako dapat mag panic,pasasaan pa't malalaman ko din ang totoo.

Sinubukan ko rin kontakin si Cullen pero naka off ang phone niya.

Tinatawagan ko din si Chief Barado pero maging siya ay naka off din ang phone.

Kahit si big boss Blake ay hindi rin makontak.

Pucha naman oh! Ano bang problema ng mga taong ito? Ngayon ko sila kailangan pero hindi naman sila makontak.

".Oh no...no...no."

Nabitawan ko ang phone ng biglang kumembot ang kotse ko. I tried to stamp the break but it doesn't work hanggang sa naibangga ko na ang kotse sa isang puno na nasa gilid ng kalsada.

Habol ko ang aking hininga ng masiguradong wala naman palang nangyare sa akin.

Lumabas ako mula sa kotse at ganon nalang ang pagkadismaya ko ng makita ang itsura ng kotse ko.

Durog at natupi ang nguso ng kotse ko. Idagdag pa ang nakakahilong usok na umalingawngaw sa loob nito.

".Kapag minamalas ka nga naman oh. Pati ba naman ang lampang kotse na ito ayaw akong pakisamahan. Bwiset!"Pinag-sipa-sipa ko ang gulong ng kotse dahil sa sobrang inis.

".What the hell? Hey Abigail,are you alright?!"Mabilis na lumapit sa gawi ko si John na siguradong binalikan pa ako dahil nagtaka siguro kung bakit wala na ako sa likod niya kanina.

Nakasunod lang kasi ako sa kanya papunta sa lugar kung saan naroon daw si Jane. Pero sa kasamaang palad,heto ang nangyare.

".Paano na ito? bwiset!"Walang tigil na angil ko.

Napakamot sa ulong sinilip ni John ang harapan ng kotse ko. Maging siya ay napapabuntong hininga nalang.

".Okay ka lang? Wala bang napano sayo?!"Pag-aalala nitong tanong.

I shook my head.".Okay lang ako. Pero paano na? Wala na akong kotse na masasakyan! Ayan oh...nakipag halikan sa pwet ng punong halos tuyo na."Atungal ko.

".Mabuti pa,sa akin ka nalang sumakay. Halika na,iwan mo nalang yan dyan at ipakuha mo nalang. But first,we need to go now bago pa tayo mahuli. Kailangan ko rin makausap si Jane para hingin ang paliwanag niya kung ano ba talaga ang atraso niya sa boss ko at kung bakit kailangan pa niyang magpanggap na ibang tao."Mahabang paksa ni John na nakapamewang na humarap sa akin.

Sa mga sinabi niyang yon ay bigla akong natauhan. Tama nga siya,kailangan naming magmadali para makausap si Jane kung nasaan man siya ngayon.

".I got it! Kung ganon umalis na tayo."Pag-sang-ayon ko.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon