Ercole's P.O.V:"What happened?"
Tumingin ako kay sissy habang may namumuong gulo sa aking isipan. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng nangyari ay ngayon lang siya nagising. Nagawa pa niyang mag-inat sa kabila ng lahat.
"Sissy, hindi ka ba nanahilo?" Hindi na ako nagdalawang-isip pang tanungin si sissy.
She shook her head, bagay na ikinabigla ko.
"Syete! 'Yong totoo?"
"Hindi nga. Bakit ba?" tanong niya.
"Eh kasi, tumilapon tayo kanina. Kahit sino, mahihilo kapag naka-experience nang gano'n kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi ka nahilo eh."
"Ano ka ba? Normal lang sa 'yo 'yan kasi first time mo lang nakasakay sa kotse na bigla na lang tumitilapon sa lagusan."
"Ibig sabihin, nakapunta ka na rito?"
"Yup."
Nakanguso akong bumaba ng kotse. Nang makababa na kaming lahat, unti-unting naglaho ang dalawang kotseng sinakyan namin. Gulat na gulat ako sa nasaksihan ko pero sila, parang normal lang sa kanila 'yong pagkawala ng kotse.
Syete! Lagi na lang ba akong mapi-pinky out of place?
"This is our true world, Ercole."
Namangha ako sa mga nakita ko.
Totoo ba itong nakikita ko?
Kaharap namin ngayon ang train station. Napakaganda ng train dito hindi katulad sa mundo ng mga tao. Kakaiba rin ang itsura. Kulay itim at pula ang theme nito.
Sa tingin ko, diyan kami sasakay.
"Ercole, punta muna tayo d'on." Niyaya ako ni Aikz sa maliit na canteen.
Pagpasok namin sa canteen ay bumulaga sa amin ang napakaraming tao–este bampira pala. Lahat sila, itim ang outfit.
"Ercole! Look at your clothes!" pinuna ni Aikz 'yong suot ko.
Lalo lang akong namangha nang makita ko ang pagbabago ng damit ko. Kung kanina ay naka-white sleeves at black pants ako, ngayon ay naka-black dress na ako at may kasamang pang red belt sa baywang ko. Sunod na nagbago ang buhok ko, lumadlad ito at humaba nang kaunti.
Ngayon ko naisipang tignan ang outfit ni Aikz. Nagbago rin ito, pati na rin 'yong buhok niya. Nakataas na 'yong buhok niya, ang astig nga ng dating eh, tapos nagkaroon nagkakulay ng kaunting brown. 'Yong kaninang brown shirt at black short pants ay naging black long sleeve with red necktie and black pants.
Wait.
May nagbago pa pala.
Parehong pumuti ang mga balat namin pero bakit gano'n? Parang mas maputi ang akin.
Nahaluan ng pagtataka ang mukha niya nang mapatingin siya sa balat ko.
"Bakit masyado ka naman yatang pumuti?" kahit may bahid ng tawa ay napansin ko pa rin ang pagtatakang bumabalot sa tono ng pananalita niya.
"Hindi ko rin alam."
Imbis na magsalita ay hinatak niya ako palapit sa food section.
I didn't expect na kakaiba ang mga pagkain sa Vampire World. Heto nga't hindi pamilyar sa akin.
"Masarap ba ang mga ito?" pag-uusisa ko.
"Yeah. First time mo nga palang matitikman ang mga ito."
"Sigurado ka bang masarap?"
"Oo naman," aniya sabay dampot niya ng pagkain. "Madalas nga akong kumakain nang ganito eh."
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...